CHAPTER FIFTHTEEN

3 0 0
                                    


Rianne's POV

Krrrrriiiiiiiiinnnnggg!!!!

Napabalikwas ako sa alarm ko, ang KJ ng Alarm ko ah! Uhg 15minutes lang okay?

Minulat ko ng konti ang mata ko para tignan kung anong oras na, 8:19. Ang aga pa-

"Whhaaat???? 8:19?? Uwaaahhh!" Mabilis akong bumangon! Gooshh! 9am class ko! Uhhgg. Dali-dali akong pumasok sa banyo at sinimulan na ang mga ritual ko sa loob. Pagkatapos kong maligo at nag kung anu-ano, agad akong nagbihis. Maygudness! Unang araw ko bilang 3rd year na. Oo 3rd year na, ang bilis nga ng panahon eh! Ang nangyari nung nagsimula na ako mag college, pagkatapos kasi ng 2months vacation ko sa london, umuwi rin kami agad ni mama, muntik pa nga ako di nakahabol sa enrollment. Kumuha ako ng BS Entrep. Since yun din ang gusto nila papa.

Dali-dali na akong lumabas ng bahay, kumuha lang ako ng waffle at uminom ng gatas, ito kasi ang handa na nilagay ni mama para sa breakfast ko. Maaga si mama umaalis kasi kailangan sya ng lumalago nyang Bakery. Agad ko ng nilock ang pinto at gate, dali-dali akong naglakad. Grabee late ko naaa. Malayo pa naman ang labas ng bahay namin. Villa kasi to. Uhg, dapat kasi may sasakyan na ako eh, ayaw naman ni papa. Tss.

Nung nakalabas na ako agad ako sumakay sa pumara na taxi. Grabe! Lagot na ako sa dalawang yun! Magkakasama pa rin kami sa isang School. Tinuloy naman ni Jess ang course na gusto nya, ganun din si Nikki. Kaya kahit hindi same course, nagsasama-sama parin kame. May mga iilan na minors naman kame magkakapareho. Ah Oo pala, nagbalikan na kami ni Andrew nung 2nd year college, nakita ko naman ang pageeffort nya, sa I.U din sya nag-aaral, Business Mngt. Naman ang kinuha nya. Hindi kame masyado nagkikita, may kanya-kanya kasi kaming inaatupag, sya ewan, ako kasi bilang one of the officers sa course, medyo busy na. Pero nagkikita naman kami pag vacant namin.

Dumating na rin ako sawakas! Nagbayad na ako, at agad-agad ng bumaba, at pumasok na sa gate. Natanaw ko naman sila Jess, na nakatayo sa may payphone.

"Uyyy Jess, Nikk. Sorry talaga! Late na ako na-" naputol ang sinabi ko ng biglang nagsalita si Nikki.

"Grabe ka ah! Nakakainis ka! Alam mo bang kanina pa kami nakatayo dito?" Inis na sabi ni Nikki.

"Nakooooo! Sorry na, please? Kasalanan kasi ng alarm clock ko eh!" Pagrarason ko, patay talaga ako neto, kanina pa naman kasi sila andito, narecieve ko yung text nila 7am pa.

"Lagi ka na lang ganyan! Ang usapan maaga, ikaw late na ang maaga mo! Tsk!" Iritang sabi ni Jess. Pero kahit gaano pa sila kainis, di pa rin nila ako matitiis. Hahah

"Promise! Hindi na mauulit." Sabay taas ko ng kanang kamay.

"Hmmff! Tara na nga!" Yaya ni Jess. Ngumiti na na lang ako.

Nagtungo na kami sa gym. Pareho kasi kami ng time kumuha. Medyo 15min. Na rin kaming late, pero okay lang. Kaka-simula pa lang naman nila. Naramdaman kong nagvibriate phone ko, agad kong kinuha para tignan kung sino ang nagtext...

From: Andrew

(Hahah kahit kami na ulit, Andrew lang ang pangalan nya sa phone ko. Naiilang parin kasi ako. Pero mahal ko pa rin)

'Goodmorning Baby. Ingat ka! Love you.'

Every morning nya ako binabati. Mag e-eight months na kami. Sa 8 months na yun, hindi man kami lagi magkasama, gumagawa pa rin sya ng oras para magkita kame. Okay naman. Pero natatakot pa rin ako, na baka sa mga ibang araw na hindi kami nagkakasama, eh iba naman ang kasama nya. Natatakot ako na baka maulit nanaman. Hindi ko na alam.

Mabailis akong nagreply, baka kasi magtampo yun. Gusto nya kasi nagrereply ako.

To: Andrew

'Goodmorning too. May class na kami. Ingat ka rin. Love you.

Send

Tinago ko na ang phone ko, magsisimula na kasi ang p.e namin. Actually behind namin to. Hahaha sinadya namin, para maging classmates kaming tatlo.

Mga ilang oras pa natapos na rin ang class namin. Grabe lang ah! Nakakapagod ang Sports. Tsk Badminton ang pinili namin. Lumabas na kami ng gym.

"Saan tayo? Nagutom ako!" Reklamo ni Jess. Kahit ako nagutom din. Imagine waffle at gatas lang ang kinain ko.

"Tara! Mcdo tayo! Libre ni Rianne." Utas ni Nikki sabay akbay. Ayos din to ah!

"Huh? Ano ka?" Sabay tulak sa kanya.

"Grabe ka haaa! Ikaw may lovelife, ikaw ang manglibre." Tatawa tawa nyang sabi. So ganun?

"Wow ha! Hahaha ikaw dapat kasi may manliligaw ka na!" Asar kong sabi. Hahah may nanliligaw kasi sakanya. 1year na ata. Taga U.P. Ryan ata ang pangalan. Nagkakilala sila dahil sa mutual friend nila, na nagparty sa isa Resort. Nakalimutan nya na ata ang ka M.U nga noon. Haha

"Heh! Eh manliligaw lang yun! Eh ikaw?" Irita nyang sabi. Nagtawanan kami ni Jess.

"Tama na nga kayo! Hahah" utas ni Jess.

"Tara na! Ako na ang taya! Nakakahiya naman kasi may Boyfriend ako. Hahaha" asar kong sabi sabay lingon kay Nikki na naka taas ang isang kilay.

Nagtungo na kami sa Mcdo na malapit lang sa school namin. May class pa kasi kami 1pm eh. Nagorder na kami at saka umupo.

"Oh? Kain ka ng marami Nik ha?" Sabay evil smile ni Jess, ang dami kasi namin inorder para sakanya.

"Nakaka empatyo naman ang order nyo. Nahiya yung tyan ko! Hahaha" utas ni Nikki sabay kuha ng mga inorder para sakanya. Nasimula na rin kami kumain, ito kasi ang favorite bonding namin, ang kumain. Pero di naman kami tumataba. Nagiba lang ang aura namin, si Jess hindi na boyish, hindi naman sa boyish sya nung high school, nagiba kasi ang itusra ngayon. Naging sexy, kulot na ang buhok, medyo babae na ang bihis hahah si Nikki naman mas gumanda na, straight pa rin ang buhok, tumangkad ng konti, masasabi kong, nagbloom na sya. Hahah ako naman, simula nung umuwi kami galing london, wala naman nagbago, mahaba pa rin ang buhok, simple pa rin.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon