CHAPTER SIXTY TWO

4 0 0
                                    


Rianne' s POV





Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama saakin mula sa glass window. Hinarang ko ang kamay ko sa silaw na tumatama saakin. Pag bukas ko ng maayos ng mga mata ko, nakita ko si Dustin, nakahiga pero gising na nakatingin saakin ng nakangiti.

"Goodmorning" bati nya. Napangiti ako sa kanya sabay haplos sa pisngi nya.

"Goodmorning too." Bati ko rin. Lumapit sya at niyakap nya ako habang nakahiga parin kami.

"I'm sorry." Seryoso nyang sabi. Napakunot ang noo ko.

"For what?" Taka kong tanong.

"For what happened last night. Hindi ko dapat ginawa yun. Dapat kasal muna eh" malungkot nyang sabi. Napangiti ako. Hindi nya naman kasalanan, kung tutuusin ginusto ko rin yun.

"Wag kang mag sorry. Pareho natin ginusto!" Nakangiti kong sabi. Ngumiti rn sya.

"I love you so much my wife." Aniya. Napangiti ako sa sinabi nya, pero di ko pinahalata, baka kasi malaman nyang kinilig ako sa sinabi nyang 'wife'.

"I love you more." utas ko sabay yakap ng mahigpit sakanya wala akong pakialam kahit na kumot lang ang nakatakip sa katawan namin. Basta ang mahalag mayakap ko sya, kahit minuminuto pa.

"Sige na, mag shower ka na dun. Ipaghahanda kita ng Almusal." Aniya. Kumalas na ako sa yakap, bumangon sya at nag suot ng short. Tumingin ako sa kabila, baka makita nyang tinitignan ko ang nakakalusaw nyang katawan.

Tumingin lang ulit ako sa kanya ng tumayo na sya. Ngumiti sya saakin at lumabas na ng kwarto. Mabilis na rin ako nag tungo sa banyo at naligo. After ng 10minutes ng pagligo at pag ayos lumabas na ako, napangiti ako ng makita syang nagtitimpla ng kape.

Sinilip ko ang mga hinanda nya, may bacon, friedrice, bread at sunnyside up. Hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Para kaming mag asawa, He's a husband material, at hindi ko matanggap na may mabigat syang dinadala.

"Tara na! Pupunta ka pa sa shop." Nakangiti nyang sabi. Tumango ako at umupo na.

Nagsimula na rin kaming kumain. Napansin kong nakangiti sya at titig na titig saakin. Biglang uminit ang mukha ko. Sheez. Don't tell iniisip nya ang nangyari kagabi? Nakakahiya tuloy! Uhg.

"What?" Irita kong sabi.

"Alam mo bang ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko?" Nakangiti nyang sabi. May kung anong kiliti sa puso ko, sya rin naman ah? Sya ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.
"Thankyou Gail, you're my life, my light, my everything. I don't care kung kabaklaan man ang mga sinasabi ko basta masabi ko sayo. Without you hindi ko alam kung ano na ako ngayon. Ikaw ang hinuhugot ko ng lakas para lumaban sa sakit. I promise, pagbalik ko galing amerika magpapakasal na tayo." Aniya sabay hawak sa isa kong kamay. Gusto kong maluha sa mga sinabi nya. Hindi nya rin alam kung paano nya ako binigyan ng buhay ulit.

"Ikaw at ikaw lang Dustin. Mahal kita at mamahalin pa kita." Maluha luha kong sabi.

"Oh? Wag kang umiyak. Baka maiyak din ako eh!" Natatawa nyang sabi sabay punas nya sa mga luha ko gamit ang mga daliri nya.
"Lalaban ako sa operasyon para sayo. Para makasama pa kita ng matagal na panahon." Aniya.

"Salamat. Basta andito lang ako para sayo, ikaw ang baby loves ko." Nakangiti kong sabi sabay punas ng mga nangingilid na luha ko.

Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na rin ako sa kanya. Kailangan ko kasing pumunta sa shop, marami pa kasi akong aasikasuhin. Alam na rin ni mama na sa condo ako ni Dustin natulog. Hindi na rin big deal kay mama kasi may isip na rin naman raw ako, na alam ko na raw ang tama't mali, besides mag 24 na rin ako.

Nang makababa na ako sa kotse agad akong pumasok sa loob. 9am na ako dumating, 8am to binubuksan ng mga crew ko. Medyo marami rami na rin ang kumakain kahit umaga pa lang, mostly kasi hapon at gabi. Majority ko sa customers ay mga couples. Nakaka overwhelmed kasi puro good comments sila sa siniserve namin. Kahit hindi pa 1year ang shop ko masaya na ako kasi atleast pumatok sya agad. Malapit ito sa garden na kung saan kami dati nag date ni Dustin. Napili ko itong lugar kasi puro fastfoods lang ang naka paligid dito.


"Ma'am, ang dami po ng custmers natin." Bungad sa'kin ni Sarri isa sa mga crew ko. Ngumiti ako sakanya.


"Talaga? Sana everyday na lang." Sabi ko ng nakangiti. Nagtungo na ako sa cashier at tumulong na mag serve.

Masaya at masipag ang mga service crew ko. Siguro dahil hindi ako ganon kalupit 'di kagaya ng ibang mga may-ari, hindi rin naman sila katulad ng mga ibang empleyado na abuso na sa mga may-ari nila. Lagi nga akong pinupuri ng mga service crew ko kaya ngiti na lang ang sinasagot ko.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon