Dustin's POVUmupo na ako at nag order na ng pineapple juice. Nauhaw ako sa kakapanood sa mga nag aasaran sa table. Busy silang lahat, nagkakaintindihan kasi sila sa alak. Hahah... Ako, hanggang juice na lang.
"Alam mo!! Hik* ang kapal ng mukha mo! Hik*" rinig kong sigaw ng isang babae, mukhang lasing na. Tinuturo nya ang isang bartender. Gulat naman sya tinitignan ng bartender. Inaaway nya na ang bartender sa kalasingan? Ayos din ah!
"Minahal kita! Hik* shira ulyo ka! Hik* pare-pareyo lang, Hik* kayo!" Utas nya, lasing na ata to! Tinignan ko sya, mula ulo hanggang paa, maganda nag lalasing? Bago pa ba? May problema to! Pulang pula na ang mukha nya, mukhang basa na sa mga luha nya. Gusto kong tumawa, ang cute nyang tignan.
"Hahahahaha" tumawa ako, para kasing cartoon, lasing na lasing, wala na sa sarili. Mag isa lang ata to. Nakita kong dahan-dahan syang lumingon.
"Ba...t ka tumatawa ha? Hik* shino ka? Pinyagtsatsawanan mo ba ako? Hik*" pagtatanong nya, lasing na talaga. Pinipikit-pikit nya na kasi ang mata nya habang nagsasalita.
"Oh? How'd you know that I'm laughing at you?" Pangaasar kong sabi. Inangat nya naman ang ulo nya.
"Shatap! Hik* You? Hik* pareho lang kayo! Hik* ang shama-shama nyo!" Pasigaw nyang sabi. Ah iniwan! Tsk! Bakit naman nya sinasayang ang buhay nya sa pag lalasing? Tss
"Alyam mo! Hahahah Hik*..." Tumawa sya! Nababaliw na ata. "Lahat ginyawa ko! Tinyanggap kita ulit!! Tapos..." Narinig kong bigla syang humikbi at umiyak. Lasing na talaga. "ETO? Hahahaha sinaktan mo nanaman ako! ang Hik* tanga tanga ko!!!" Bigla nanaman syang tumawa. Nagtingin ang mga katabi namin saamin, baka isipin nila magkakilala kame. Uhg
"Hey? Lasing ka na miss!" Agad kong hinawakan ang ulo nya na muntik nang bumagsak sa mesa. Bigla nyang inangat ang ulo nya.
"HA? Shinong lashing? Hik* ako? Hahahahaha hinde, hinde, hinde! Hahaha Hik* ikaw ata ang lashing eh!" Sabay turo nya na pageweng geweng na. Hindi man lang to nag isip! Pano sya uuwi? Tsk.tsk.tsk
"May kasama ka ba dito?" Pagtatanong ko, wala na kasi talaga sa sarili. Bigla syang ngumiti.
"Hahahah Hik* wala! Hahaha Hik* gushto mong shamahan ako? Hik* hahaha tara! Hik* Shot ka din!" Sabay abot nya sakin ang isang maliit na baso. Sa tingin ko, naka 15 baso sya ng alak. Ang baho ng amoy!
"I'm not a drunkard!" Bigla kong hinarang ang kamay nya, nakakatawa naman tong tignan! Hahaha
"Hahahaha o-kay! Shige! Uwi na ko! Hik* hahaha" sabay tayo nya, wala na syang balanse sa pag tayo, kahit na sa pag lakad nya, gumigeweng geweng na sya. Nakita kong hinila sya ng isang lalakeng sumsayaw. Parang tumaas ang dugo ko. Bigla kong nilapitan sya at ang lalaking sumsayaw, eto naman babae, nakahawak sya sa dibdib nito! Nahihilo na ata to.
"Ah pare excuse! Girlfriend ko tong sinasayaw mo." Sabay hila ko sakanya papunta sakin at tingnan syang matalim. Umatras naman ang lalaki at tumalikod na.
"Hm? Hik* Girlfriend? Hahahaha hiwalay na Hik* tayo!" Habang turo-turo nya sakin na tumatawa.
"Halika!" Utas ko sabay hila sakanya palabas. Kawawa naman to kung iiwan ko to dito.
"Bit- Hik* bitawan mo Hik* ko! Ano ba? Aaaarrgghh!" Sabay kalas nya sa pagkahawak ko. Ang kulit talaga nitong lasinggerang to!
"Halika! Wag kang pakalat kalat sa kalye! Baka may kung anong mangyari sayo dito!" Sabay hila ko sakanya papasok sa kotse at nilock. Napupumiglas naman sya, pero wala syang kalaban laban, lasing na kasi. Agad akong pumasok sa kotse. Hindi na sya nagwawala, lasing na lasing na, tsk pano pag hindi ako nakakita sa kanya? Pano pag masamang tao? Tsk hindi nag iisip. Nabigla ako nung nagising sya.
"Hey?" Pagtawag ko, lumingon sya at binaling nya ang tingin nya sa harapan, parang binubuka nya ang bibig nya, pulang pula na. Teka?
"Hey? Wag mong sab-" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng bigla syang... sumuka sa harap ng inuupun nya! What?
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.