Rianne's POVBzzzt... Bzzzt Bzzzt...
Andrew's Calling...
Tss. Sasagutin ko ba? Tsk istorbo! Andito kasi kami ngayon sa cottage, 8pm na nagtatawanan lang kami dito, kasama ko sila Jess, Nikki, Gaela ang girlfriend ni Trigger, Ryan si Harry na kanina pa kami pinapatawa. Wala si Dustin nasa kwarto raw. Tumayo ako at nagpaalam muna na sasagutin ko muna ang tawag. Sasagutin ko na lang, tutal gusto kong malaman kung kaya ko na. Naglakad ako papunta sa tabing dagat, malayo sa kanila.
"H-hello?" Utas ko nung sinagot ko na.
"Hello Rianne? Oh great! Thankyou for answering my call. Tawag ako ng tawag di mo naman sinasag-" pinutol ko ang sasabihin nya. Potek! Kumikirot nanaman ang puso ko.
"Ano bang gusto mo? Sabihin mo na at wala akong oras sayo para makipagkwentuhan!" Inis kong sabi. Kumukulo na ang dugo ko! Narinig kong nagbuntong hininga sya sa kabilang linya.
"Rianne? Patawarin mo sana ako sa nagawa ko. Sob*" napatigil sandali ang tibok ng puso ko, umiiyak ba sya? Wait! No! Palabas nya lang yan Rianne! Wag kang magpapadala!
"Wag mo ko idaan sa pagiyak iyak mo! Wag mo kong idaan sa pagdadrama mo! Pagod na ako Andrew! Tigilan mo na ako! Binigay ko naman ang lahat pero parang kulang pa rin sayo! Nagpakatanga ako, nagpakatanga ulit ako! Sa araw na hindi tayo magkasama iba na pala ang inaatupag mo! Alam mong mahal kita! Pero ano ang ginawa mo? Pinagmukha mo kong tanga pa sa tanga! Hindi ako gulong na kapag na platan ka eh may reserba ka! Hindi ako laruan mo Andrew! Tao rin ako!" Umiiyak na sigaw kong sabi, hindi ko mapigilan ang mga luha kong lumalabas, na parang sinasabi nila ang sakit-sakit. Para akong tinutusok. Masakit pa rin. Ibig sabihin hindi pa ako nakakamove on. Ang hirap naman kasi eh.
"Rianne sorry... Sob* I'm sorry! Ako ang nagkamali." Paiyak iyak nyang sabi. Potek! Wag kang magpadala Rianne!
"Fvck! Tama na! Lagi kang ganyan! Pag nagkakamali ka! SORRY! Lagi ka na lang Sorry Rianne sa ganito! Sorry Rianne sa ganyan! Puro ka sorry! Sorry lagi ang katapat sa lahat ng pagkakamali mo! Aaminin ko nagkamali ako! Pero ang pagkakamali ko eh kapag ginawa ko! Habang buhay ko yun pag sisisihan! Sob*" parang gripo na ang mga mata ko dahil sa luha. Langya! Bat ganyan sya? Napatakip ako ng bibig, hindi ko na kasi mapigilan ang mga luha ko. Ayokong iparinig sa kanya na natatalo nanaman ako.
"Nagawa ko lang yun dahil lasing ako nung araw na yun! Dahil nabadtrip ako. Sob* Gusto kitang makausap sa personal. Pumunta ako sa inyo sabi ng mama mo nasa trip ka raw ngayon, kasama mo ba sila Jess?" Banayad nyang sabi. Parang gusto ng sumabog ang puso ko sa oras na to. Naninikip, hindi na ako makahinga! Parang tumaas ang dugo ko papunta na sa ulo.
"Potcha naman yang rason mo Andrew! Alam mo bang isa o dalawa lang ang naalala mo sa monthsary natin? Habang busy ako nung araw na yun para isurprise ka! Ako ang nasurprise! Sa nakita ko, yun na ang tamang rason para iwan ka! Kaya pinangako ko hindi na ikaw ang taong mamahalin ko! At Oo wala ako sa bahay! Kasama ko sina Jess at ang boyfriend ko!" Pagkunwari kong sabi. Kailangan kong humanap ng way para saktan sya! Nasasaktan ba sya? Eh hindi naman ah! Tss
"No Rianne! You're Lying! Alam kong mahal mo pa ako! Rianne, I love you!" Sa sinabi nya yun napatindig lahat ng balahibo ko.
"SHUT UP! I don't love you anymore! Kung ganun kadali mo kong palitan, ganun rin kadali saakin ang palitan ka!" Sabay pahid ko sa mga luha ko at inoff ang phone ko. Ang bwiset na yun!!
"Aaaaaarrrrrrrghhhhhh!!!" Inis kong sigaw!
"Gusto ko ng magpakamatay!" Galit kong sabi. Naiinis ako! Sinusumpa ko sya!"Bat ka naman magpapakamatay? Alam mo bang maraming gustong mabuhay!" Bigla akong lumingon sa nagsalita. At laking gulat ko...
"Dustin, ikaw pala!" Sabay yuko ko. Kanina pa kaya sya? Narinig nya kaya?
"Alam mo bang maraming gustong mabuhay? Bat ikaw? Ayaw mo ng mabuhay?" Seryoso nyang sabi.
"A-ah ano kasi..." Sabay tingin ko sa taas, gusto nanaman kasi lumabas ang mga luha ko.
"Kung feeling mo sinaktan ka, hindi yun rason para itigil ang buhay. Sabi nila, kapag nawala sayo ang isang bagay, asahan mong may papalit na mas deserving pa sakanya. Kung magpapakamatay ka, isipin mo yung mga taong maikli na lang ang buhay pero, gusto pang lumaban para lang mabuhay, meron nga kahit mamatay na at sobrang nasaktan din pero gusto pang mabuhay." Seryoso nya pa rin sabi. Napa hikbi ako, parang nalinawagan ako sa sinabi nya. Alam ko naman na ganun, pero kapag nasaktan ka eh ganun naman talaga ang unang iisipin. Lumingon ako sa kanya. Meron ganun magisip!
"Tss. Pag nasaktan ka ng sobra ang unang iisipin mo eh ang itigil na lang ang buhay. Saan ka makakakita na, mamatay na kahit nasaktan ng sobra, gusto pang mabuhay? Kasi kung ako ang tatanungin, mas pipiliin kong hayaan na lang ang mamatay para hindi mo na mararamdaman ang sakit! At Kung meron man na taong ganyan, aba! sino?" Totoo naman eh! Kapag mamatay ka na at sinaktan ka ng sobra eh mas pipiliin mo na lang mamatay para hindi ka na mahihirapan. Tinignan ko sya.
"Ako..." Nakangiti nyang sabi. Napatigil ako sa narinig ko, parang nabingi ako. 'Ako?'
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.