Dustin's POVHinatid na ako nila Trigger, magbabar pa raw kasi sila. Buti pa nga sila, naranasan nilang mag enjoy, magsaya, magmahal ng walang takot. Ako kasi, hindi ko na mararanasan yun eh.
Pumasok na ako sa loob, 5pm na kasi kami natapos sa mga kalokohan nila sa PTZ.
"Oh anak? Bukas na ang alis natin." Utas ni papa sabay upo safa.
"Opo pa, mag aayos na nga po ako." Sabay akyat ko. Pagka bukas ko, nakita ko si mama, nag aayos.
"Ma? Ako na po!" Sabay kuha ko sa mga damit na kinuha nya sa cabinet ko.
"Ay nako! Ako na anak! Pahinga kana, bukas na tayo aalis." Utas ni mama.
"Ako na po, tulungan nyo na lang po si Karl." Ngiti kong sabi.
"Kanina pa nakahanda na si Karl. Ready na yun bukas." Utas ni mama.
"Okay lang po, ako na." Sabay kuha ko sa mga iba ko pang damit sa cabinet.
"Hmm. Sge na nga! Porke't binata ka na!" Malungkot na sabi ni mama.
"Si mama talaga! Hindi na po ako baby, tsaka may mga kamay pa naman po ako." Ngiti kong sabi.
"Sige na! Magluluto na lang ako para mamaya sa hapunan." Utas ni mama, nilapag nya na ang mga damit, tumalikod si mama at lumabas na.
Inayos ko na ang mga dapat kong ayusin para wala na akong makakalimutan. Natapos ako ng 7pm, bumaba na ako para makapag hapunan na rin. Naka upo na rin sila mama. Umupo na rin ako.
"Maaga tayo bukas ha? 4am kasi ang flight natin." Utas ni papa.
"Opo pa, excited na ako makita kay si Ate." Excited nyang sabi. Oo nga, matagal tagal ko na rin hindi nakita yung ate ko, tatlong taon syang na una sakin, kamukha ko, pinagkakamalan nga kaming kambal. At sobrang Maarte, pero mabait sya pagdating saamin ni Karl. Nung pinakilala ko nga sya kay Sandy noon, tinarayan nya. Ayaw nya raw sa ka-uri ni Sandy, wala rin naman ako magagawa, Ate ko yun eh.
"Excited na rin ang Ate mo na makita tayo" utas ni mama sabay tawa.
Mga ilang minuto, natapos na rin kaming kumain. Tumayo na rin kami ni Karl para makapagpahinga na. Maaga kasi kami bukas.
~~~
Kinabukasan...
"Yeaaheyyyy!" Utas ni Karl sabay baba. Nasa airport na kami, maaga kami umalis, malapit na rin ang flight namin. Sana pagbalik ko, malusog na ako. Gusto kong sumaya ng walang limitasyon. Nagbuntong hininga ako at naglakad na papunta sa departure.
Paalam na muna, Pilipinas, sana makabalik pa ako.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
Ficción GeneralIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.