CHAPTER TWENTY SIX

6 0 0
                                    

Rianne's POV

Pumasok na ako, hindi ko naman first time ang pumunta sa Bar, pero bago to sakin ngayon na Bar, sa mga maliit na party club lang kami pumupunta, kasi pumupunta kami kapag gusto namin mag saya-saya. Pero ngayon, mag isa ako, sawi, nasasaktan! Wala akong pwedeng mailabas nito ngayon. Pumasok ako at dumiretso na sa barcounter, at nag order na sa isang bartender na nag mimix na ng drinks, nag order ako ng mas matapang pa sa matapang na alak, agad itong sinaling ng bartender at inabot sakin, agad ko tong ininum ng dirediretso, parang nasunog ang lalamunan ko, pumasok ang alak sa katawan ko at uminit ang buong katawan ko, matapang ang isang to!

"Kkkkkkkrrr!" Grabe! Bat hindi ko ba to dinahan dahan. Parang natunaw ang mga laman sa lalamunan ko. Walang tigil kong tinagay ang iba pa. Bakit ba ang malas ko pagdating sa pag ibig? Andrew? Kahit sinaktan mo ako noon! Tinanggap kita ulit! Bakit? Bigla kong Naramdaman ang mga luha kong umaagos, parang waterfalls nanaman. Shot ng shot ako sa mga basong nakahilera. Nararamdaman ko ang sakit na dinulot saakin ng pagiging tanga!

****

Dustin's POV

"Tara-Tara!" Pagyaya ni Harry. Birthday kasi ni Trigger. Sa Bar nya gustong icelebrate! Mag iinuman lang naman sila! Pero gusto kong sumama, try ko rin, kapag kasi pumupunta kami noon, di ako umiinom, pero ngayon, hindi pa rin. Hahah mahirap na! Sumakay na kami sa mga kotse namin, pinaadar ko na at agad na pinatakbo ng mabilis. Mga ilang minuto dumating kami, medyo malapit lang naman kasi to sa condo., kapag nakasasakyan.

"Anjan na ba si Trigger?" Pagtatanong ko.

"Oo gabi na kaya!" Sagot ni Ryan. Nung nakalabas na kami sa mga sasakyan namin, pumasok na kami. Maramang tao pero hindi naman to nakareserve saamin kaya kung sinu-sino lang ang nandito. Puro lang naman kasi barkada ang nandito, mga pinsan nya, kaya medyo puno ang tao. Nagsisigawan, nagsasayawan ang mga tao dito. Hindi na rin naman bago sakin kasi laging Bar ang mga mokong eh.

"Tara dito tayo!" Yaya ni Harry, natanaw na rin namin si Trigger.

"Woahwoahwoahhh! Dumating rin kayo! Hahaha uy! Dustin? Salamat pumunta ka" ngiti nyang sabi. Hahah sira talaga! Eh syempre barkada ko.

"Hahaha Oo naman! Malakas ka eh" ngiti kong sagot.

"Hahaha pinilit pa namin yan!" Pagaasar na singit ni Harry. Hahah loko talaga! Ayaw ko nung una pero, nakakabagot dun sa condo.

"Hahaha You sure Okay ka dito?" Pagaalalang tono ng boses nya.

"Hahaha Oo, mag jujuice lang ako" utas ko, medyo malakas lang ang usapan namin kasi maingay
Hindi namin marinig ang isat-isa.

"Oh tara! Dun tayo!" Pagyaya ni Trigger sabay akbay saamin ni Harry, na una na kasi si Ryan.

Nagtungo kami sa table nila, ang dami nyang mga kasama, mga pinsan at kabarkada ng mga pinsan nya, andun rin ang girlfriend nya at mga kasamang babae. Nagiinuman na sila, usok ng sigarilyo ang naamoy ko, ang baho!

"Excuse me guys! Mga hindi pa kilala sa tatlong to! Ito nga pala ang mga barkada ko, si Harry..." Sabay senyas nya at tumingin sa mga babae, hahaha umandar nanaman ang pagka chickboy! "Eto si Ryan..." Ngumiti naman si Ryan. "And this is Dustin."
Ngumiti rin ako, at nag pakilala naman sila.

"Hi Dustin?" Bati ng isang babae, kasamahan to ng girlfriend ni Trigger. Nginitian ko na lang sya, nagsasayahan na pala sila sa alak ngayon. Iba talaga ang tama ng alak. Umupo ang babae sa tabi ko at pinulupot ang mga braso nya sa braso ko. Iba din to ah! Dahan dahan kong tinanggal ang braso ko. Nakangiti sya at pinulupot ulit ang braso nya. Tss. Ang kulit!

"Balita ko, wala ka raw girlfriend. Heheh" pacute nyang sabi. Ano to!

"Ah eh hahaha teka mag C.R muna ako." Pagpapalusot ko, agad kong tinanggal ang braso at tumayo.

"Trigger, barcounter lang ako." Pabulong kong sabi. Baka kasi marinig ng babaeng yun, baka sumunod.

"Ah okay sige!" Sabay tapik nya sa balikat ko, lasing na yung iba, kanina pa kasi kami dito, mag i-eleven na din. Naglakad na ako at nagtungo na sa Barcounter. Na O-O.P kasi ako, basta ba pag alak nawawala na ako ng kasama. Sinubukan ko naman pero baka mas lalong lang ma infect ang sakit ko kaya iiwas na lang din ako. Ayoko rin mag alala sina mama at papa kaya kailangan kong sundin. Nabobored na nga ako pero ganun talaga. Kailangan masanay. Pumunta na ako sa counter ng drinks at umupo na.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon