CHAPTER SIXTY THREE

2 0 0
                                    


Rianne's POV



"Tatanggalin ko na ba?" Tanong ni Dustin habang kinakapakapa ang paligid nya.

"Sandali!" Utas ko. Naka blindfold kasi sya, dinala ko sya sa bahay nila, at hindi nya alam. Isusurpresa namin sya sa kaarawan nya.

Mabilis kaming nag ayos pero syempre hindi dapat kami mag ingay para hindi nya mahalata.

"Okay na ba?" Aniya.

"Sige! Tanggalin mo na Baby loves!" Sambit ko, dahan-dahan nyang tinanggal ang nakatakip sa mata nya at ng tuluyan ng natanggal, sabay sabay kami nagsigaw.

"HAPPY BIRTHDAY DUSTIN!!" Sigaw namin. Kompleto ang family nya, nagrequest talaga ako na umuwi ang ate Nicholle nya. Andito rin si mama at pati na sina Trigger, narito rin si Nikki, mga ibang relatives ni Dustin.

Nakita kong nakatayo lang sya at parang hindi nya talaga inexpect na ganito ang gagawin, simula kasi nung nalaman nyang may sakit na sya hindi nya na raw sinicelebrate ang kaarawan nya, siguro dahil nga sa pinagdadaanan nya, pero ginawa ko ang paraan para manyari to ngayon. Though, sinicelebrate naman namin dalawa pero ngayon ko lang sya sinurprise ng ganito kalaki.

Lumapit sya sa amin at niyakap nya isa-isa ang mga pamilya nya pati na ang mga kaibigan nya.

"Salamat, Salamat, Salamat" aniya sabay yakap sakanila.

"Nako! Si Rianne ang gumawa ng lahat na ito." Nakangiting sabi ng papa nya. Lumingon sya saakin at lumapit.

"Salamat. Hindi ko inexpect na ganito kalaki ang surpresa mo." Aniya sabay yakap saakin. Niyakap ko rin sya.

"Basta para sa'yo." Nakangiti kong sabi.

Nagsimula na ang party nya. Sa buong gabi nakita kong nag enjoy sya, nakita ko sa mga mata nya na masaya sya sa araw nya. Masaya ako at napasaya ko sya sa araw na to.

Natapos ang party nya ng 1am, nagsi uwian na rin ang iba, si mama kanina pa nagpaalam, yung mga relatives nya naman na malayo pa ang inuuwian nagpasya na lang matulog dito sa bahay nila, abala syang magthankyou sa bisita nya. Nasa tabi nya naman ako.

"Thanks my wife." Aniya na nakatingin saakin ng nakangiti.

"Ano ka ba! Wala 'yun." Nakangiti kong sabi. Lumapit sya at niyakap nya ako ng mahigpit.

Masaya akk dahil success ang surpresa ko. Ginawa ko ang lahat para lang makasama yung mga importanteng tao sa buhay nya.

Nasa sala na ako at nakikipag kwentuhan kay ate Nicholle, kinwento nya ang naging buhay nya sa France. Kaya pala hindi na sya masyado nakakauwi kasi may negosyo sya dun.

"Aaaahhhhhhhrrrgg" napalingon kami sa taas kung saan nanggaling ang sigaw.

"Si DUSTIN!" Gulat na sabi ni ate Nicholle. Napatayo ako at mabilis na umakyat. Lahat napalabas sa kwarto nila. Pati na rin ang mama't papa nya.

Mabilis kong binuksan ang pinto ni Dustin na ngayon ay pumapalipit na sa sakit. And It brokes my heart pag nakikita ko syang pumapalit sa sakit, wala man lang akong magawa.

"D-Dustin!" Sigaw ng mama nya, hinawakan ko ang magkabilang balikat nya, pawis na pawis na sya.

"Inumin mo to." Utas ng mama nya sabay abot ng isang tableta at tubig. Pero hindi nya mainom dahil sa sakit. Napapaiyak na ako.

"Dustin? Inumin mo na please." Utas ko at inabot sa kanya. Kahit nanginginig nyang kinuha ay agad nya itong ininom. Nasasaktan ang puso ko makita syang nahihirapan. Napapaiyak na ako.

"Ssshhh... everything will be okay." Utas ko habang yakap sya at hinahaplos ang likod nya.

"Aaaaarrrrhhhhhgg! S-sh*t!!" Bulalas nya. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. Naiiyak na ako. Bakit hindi pa pinapakalma ng gamot ang sakit nya!

Mahigit isang oras na syang namimilipit parin sa sakit habang yakap ko sya. Kaya naramdaman kong pumitik ang puso ko at nanikip, pero hindi ko inalala 'yung sakit na nararamdaman ko dahil mas kailangan kong pakalmahin si Dustin.

"We need to take him to the hospital." Utas ng papa nya. Inalalayan na sya papunta sa kotse.

Agad na rin syang dinala sa hospital.


Nanginginig at hindi ko na alam ang nararamdaman ko, gusto kong maduwal dahil sa nerbyos, napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.


Agad syang tinungo sa E.R. nakita ko ang pag mamadali ng mga nurse at doktor patungo sa room. Kinakabahan habang nakatayo. Ang mama't papa naman nya ay umiiyak sa takot.



"He's gonna be alright." Bulong ko sa sarili ko. Nakahawak ang mga kamay ko sa isa't isa dahil sa takot. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa paghagulgol ko kaya pilit kong hinahanap ang hangin dahil sa nawawalan na ako ng hininga.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon