Rianne's POVGraduation day...
"Uuwwaaaahhhhhh!!! Congrats!!" Sigaw na tumakbo si Nikki papunta saamin ni Jess, nagyakapan kami.
"Congraaatsss! Hahahah" utas ko, sabay talon-talon naming tatlo. Ang saya namin, may halo rin naman lungkot kasi, Bye High School naaa!
"Oy ha! Hahaha sabay tayo mag e-enroll ha? Hahaha" sambit ni Jess.
"Oo sge, pag balik ko ha?" Ngiti kong sabi.
"Basta ha? Size 7 yung akin." Utas ni Nikki. Sira talaga! Hahah
"Hahahah basta akin, damit ah?" Utas naman ni Jess. Isa pa to! Hahah
"Oo na! Kayo talaga! Pang sampu na yan ah! Tss." Pabirong inis kong sabi. Pa ulit-ulit kasi tong dalawa.
"Hahahaha oo na! Oh wait! Si Andrew papalapit!" Utas ni Nikki. Pumwesto sila sa likod ko. Nakita kong papalapit na nga sya saamin. Simula nung nakita ko sya sa mall, mas naging sweet sya. Ewan ko ba! Paasa ata to!
"Ahh... Congrats Rianne!" Ngiti nyang sabi. Napag usapan namin kung saan kami magcocollege, tinanong nya kasi ako nung isang araw nagkita kami, sa I.U din pala sya.
"Ah Rianne, dun muna kami sa mga nanay natin ah!" Pagpaalam ni Jess, tumalikod na sila at naglakad na.
Saka ko binalingan ng tingin si Andrrw na ngayon ay nakatingin sakin. Uminit mukha ko, ang awkward naman. Uhg"A-ahm S-salamat, C-congrats din, he-he." Kakaba kaba kong sabi. Nagpapanic kasi ang puso ko. Tss.
"Para sayo nga pala" sabay abot nya sa red rose ng nakangiti parin.
"Ah. Salamat" maikli kong sagot sabay kuha sa rose na bigay nya. Seryoso kaya talaga sya? Simula kasi nung nagpansinan na kami, mas lalo nya talaga pinakita na pursigido sya. Sabi nya magsisimula raw sya sa una. Kaya hinayaan ko.
"Uhm, pano? Kita na lang tayo sa I.U? Heheh mag ingat ka sa london. Update mo ko ah?" Utas nya, sabay yakap sakin. Great! Parang kabayo ang puso ko, mabilis ang pagtibok nya na parang kumakarera! Anong meron dito? Bat hindi ko kayang iwasan sya!
"Ah. Hehe sge, ingat ka rin." Utas ko sabay kalas sa yakap nya. Ngumiti na lang sya, sabay talikod na palayo. Pinuntahan ko na kung saan sila Jess at mama na nagkekwentuhan sa mga nanay nila Jess at Nikki.
"May pahug-hug pa kayo ah!" Pangungutya ni Nikki. Baliw talaga!
Inirap ko na lang sya."Masyadong pikon ah? Hahah affected? Yiiieee." Pagbibiro ni Nikki sabay hampas-hampas sa braso ko.
"Ang sakit Nikki ha!" Sabay himas ko sa braso, nagtawanan lang silang dalawa! Mga baliw kasi.
Umalis na kami sa Hotel kung saan ginawa ang graduation namin. Tumungo kami sa isang restaurant kaming tatlo at ang mga parents namin. Kasama ang kapatid ni Jess, ang dalawang kambal na babae na kapatid ni Nikki. Wala ang papa ni Nikki, nasa ibang bansa din kasi. Nag order sila ng kung anu-ano, may cake din sa gitna ng mesa na may 'Congratulations' nakasulat. Nangdumating na ang order kumain na rin kame. Kami ang pinaka maingay sa loob ng restaurant, pero buti na lang wala masyadong tao. Kwentuhan, tawanan, asaran ang ginawa naming tatlo habang inaasar kami ng mga mommy namin. Ang saya ko, sawakas bagong chapter nanaman ang bubukas.
****
Dustin's POV
"Wohoooo" bungad saamin ni Harry nung nakuha nya na ang Diploma nya.
"Ang saya mo! Hahaha" asar ni Ryan. Nagtawanan kaming apat. Mamimiss ko talaga tong mga kumag na to!
"Oh bat ang lungkot mo? Hindi ka masaya na graduate ka na? Haha" asar na tanong ni Harry. Sabay halakhak. Ngumiti naman ako.
"Hahah hindi naman." Ngiti kong sagot.
"Hahaha kailan ba yan sumaya?" Pagsingit ni Trigger.
"Hahaha tara na! Lets enjoy our moment!" Aya ni Ryan, nagpaalam muna kami sa parents namin, pinayagan naman ako, pero magingat lang raw ako, hindi naman ATA kami iinom.
"San tayo pare?" Tanong ni Ryan. Sumakay na kami sa sasakyan namin. Kahit wala kami sa right age, pasaway pa rin kami para magmaneho.haha
"Edi syamepre sa bar" sarcastic na sagot ni Harry.
"Loko! Hindi! Kakain tayo! Mamaya na lang gabi. Alam mo naman hindi pwede si Dustin dun eh." Utas ni Trigger.
"Pwede naman ako, hindi lang ako iinom." Sagot ko, pwede naman ako, ang problema di ako pwede sa mga usok.
"Nako! Hindi na! Gusto ka pa namin mabuhay." Utas ni Trigger, habang nagmamaneho.
"Hahaha sge, kayo bahala. Kailangan ko rin umuwi ng maaga eh, para makapag ayos na ng mga gamit." Utas ko.
"Oo nga pala! Nako! Mamimiss ka namin!" Ngiting sabi ni Harry.
"Oo nga eh. Basta huh? Fb tayo, skype2x din." Seryosong sabi ni Ryan. Hahaha mga loko talaga to! Magdadrama pa ata.
"Hahhaha Oo, wag kayong mag alala." Utas ko.
Bumaba kami, at pumasok na sa isang Japanese Restaurant. Dito kasi gusto ni Trigger. Umupo na kami, si Trigger na raw ang O-orde. Umupo na kami. Mga ilang minuto lang dumating na si Trigger dala-dala ang mga pagkain.
"Yyeeeaaahh!" Utas ni Harry. May pagka PG kasi to. Kahit may kaya sa buhay. Hahah
Nagsimula na rin kami kumain, ganun parin gawain namin, habang kumakain, nagaasaran. Mamimiss ko talaga tong tatlo. Siguru pag bumalik ako, malaki na rin sguru ang mga pinabago nila nuh? Tss
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.