Kabanata 15

45 3 0
                                    


~~~~~

"ooy ano walang balak lumabas?" sabi ni Rey ng katukin ang bintana.

Hinawakan ko na yung pinto at buti na lang bukas na.

"umiyak ka na naman a" pansin ni Rey sa mata ko

"halata ba?"

"Nadia hindi, hindi ko nga napansin"

"tangna pilosopo! Umalis ka nga!" kaylan ba ko magkakaron ng matinong kausap.

Inayos ko muna ang muka ko, nakakainis kasi napakaiyakin.

Nilibot namin yung buong Cloud side. Meron ditong hanging bridge na tinawid din namin maliban lang kay Val na natatakot. Merong mga kubo sa paligid. May nagtitinda ng souvenir. Merong mga duyan na nakatali sa mga puno. Nag picture din kami sa malaking parang pugad ng ibon hahaha. Ang dami naming ginawa. Hindi din nawawala ang picture syempre.

"okay na kayo ni Renz?" bulong sakin ni Aj. Bulong bulong sya e kaharap lang namin si Renz. Kasalukuyan kasi kaming nakaupo, merong mahabang lamesa sa pagitan namin, malamang kainan alangan sa nakaupo kami sa upuan tas kakain sa lupa tss.
Hinihintay lang namin yung order namin. Bulalo, ang sarap nun.

"Hindi?..." napansin kong napatingin sakin si Renz

"hindi sure? Hahahha kala ko ba nag-usap na kayo?" sabi ni Aj. Napakadaldal talaga. Hindi ko alam kung anong definition sa kanya ng bulong.

"nag-usap nga...okay na ata kami, balik kami sa dati na hindi talaga nagpapansinan"

"gaga! Hindi nagpapansinan? Kulang na lang hindi nyo kami isama sa mga tawa nyo kanina e"

"Sabi sayo Aj wag mong kakausapin yan kapag kakaiyak lang, lutang yan hahahah" sabi ni Val na nasa tabi ni Aj, nagtago pa talaga sya sa likod ni Aj e isa pa din tong maingay, tas ang katabi ko sa kabila tsismoso.

"Umiyak ka?" sabi ni David pagkatapos nya kong sikuhin.

"Hindi, wag kang maniniwala sa sinadabi nila" nginitian ko na lang si David hahaha.

Isang oras ang lumipas bago dumating ang order namin. Ang sarap ang init, bagay sa malamig na panahon, lalo pang lumamig kasi nasa bundok kami. Mas lumamig pa talaga ang pakiramdam ko kasi naka short lang ako.

Habang kumakain, wala ni isa samin ang nag-usap halatang gutom na gutom. Hangang sa may nagtawag kay Renz

"Renz?...Renz!"
Napalingon kami lahat sa tumawag kay Renz, nakita namin ang grupo ng lalaki na mga rider ata sila. Anim sila actually.

"Sino yan?" tanong ko kay David

"Si Marion, kaibigan yan ni Renz, pero kami hindi hahaha kilala lang namin" sagot ni David

"Rider sila? Bakit hindi nila kasama mag drive si Renz?"

"ayaw ni Renz, kumain ka na lang dami mong tanong"

"Anong ginagawa nyo dito?" sabi nung Marion, nakipag kamustahan din sya kila David.

"Nag gala lang, kayo?" sagot ni Renz

"ganun din, bago kasi dito kaya try namin dito...ay sakto pre may dala kaming pizza baka gusto nyo favorite pa naman ni Angela tong flavor na dala namin"

Kruuuu kruuuuu

Ramdam kong may sumipa sakin, alam ko si Aj yun, kunot noo ko syang tiningnan at bumulong ng "Ano?" tsaka bumalik ako sa pagkain. Pero ang gago lang pano ako makakakain kung panay sipa si Aj? Tiningnan ko ulit sya kaso silang tatlong hilera, Aj, Val Arian na nakatingin sakin. Ano bang meron?

"Asan pala si Angela?" takang tanong nung isang kasama ni Marion

"Nasa Canada na. Mag t-three months na din kaming wala." woaaahhhh. wow! Sinabi talaga ni Renz? Hahaha wala lang natatawa lang ako.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon