Kabanata 39

33 6 2
                                    

~~~~~~

Nakatingin lang sakin si Renz...ay ewan ko kung sakin talaga o sa kwintas.

"H-hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kanya

"Hindi mo ba yan susuutin?"
Sabi na e, sa kwintas sya nakatingin.

"Hindi, itatabi ko na lang para hindi mawala"

"Mas maganda kung isusuot mo hindi yan-bahala ka nga" inis na sabi nya at staka pumasok sa loob.

Natawa na lang ako, pakadrama. Yung totoo, ayoko talaga isuot, tsaka na lang...

"Okay na kayo? Baka aalis pa kayo o baka may hahanapin? Pwede na tayo mag celebrate?" bungad samin ni David. Yamot na yung itsura. Hindi lang sya, mukang lahat sila.

"Okay na, wag mo kong sungitan birthday ko!"

"Tapos na birthday mo"

"Oo nga pala, e anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko kay David

"Makikikain"

"Bat ka makikikain? Anong meron?"

"Arrghhh Nadia oo na, tatahimik na.. . Happy birthday!"

"Thank you David hahahaha"

Kung hindi naman kasi dahil dun sa magaling na anak edi sana, ay nakoooo!

"Oy Nadia birthday na birthday nakakunot yang noo mo hahaha" sabi sakin ni Arian.

"Gutom na ba kayo? Kain muna tayo... Mamayang gabi ko pa kayo dadalhin dun sa hinanda namin ni ate Sab"

"Gutom na gutom na Nadia hahahaha"

"Anong hinanda nyo?"

"Bitay, bibitayin namin kayo!"

"Ha ha. Nakakatawa Nadia"

"Ha ha Eman. Muka ba kong nagbibiro?"

"Tama na nga yan, ano isa isa tayong susungitan ni Nadia? Kayo Eman, David umuwi na kayo kung wala kayong magandang sasabihin" sabi ni Mark sa kanila

"Wow, nagsalita ang may magandang ambag! Hahahahah" pang-aasar ni Aj

Umalis muna ako sa sala, at pumunta ng kusina. Akala ko andito pa sila papa, lumipat pala sa isang kubo.

"Ate Sab, kakain na po kami"

"okeee, paupuin mo na sila dito"

Tinawag ko sila sala, at pinapunta na dito sa kusina. Akala ko wala ng pagkain madadagdag pero grabe ang dami. Sobra!

"Hala Nadia ang dami"

"Mukang hindi nga biro yung bitay-aray!"

"Tumahimik ka na Eman, thank you po" saway ni Val, at nag thank you sila kila Ate Sab. Umalis na din sila muna at kami kami na lang ang naiwan dito.

"Nadia kami lang bisita mo?" tanong ni Arian sakin sa kalagitnaan ng pagkain namin

"Oo. Bakit may inaasahan ba kayo na papapuntahin ko?"

"Wala. I mean yung ibang kamag-anak nyo, pinsan"

"Bahala na sila papa at lola kung iimbitahin pa nila, basta ako ayoko. Hindi ko naman sila ka close" sagot ko. Tama naman kasi. Bakit ako mag iimbita ng mga taong wala nan ambag sa buhay ko, dugo at lahi lang, char!

"Oo nga naman. Tsaka okay na rin to, tayo tayo lang, walang ilangan ganun" sabi ni Aj na sinang ayunan naming lahat.

"Ano pa lang regalo nyo sakin?" tanong ko sa kanila.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon