Kabanata 36

33 2 0
                                    


~~~~~~

"Oy Nadia tawag ka!"

"nino na naman?"

"Ni Renz Hahahahah"

"Gago ka talaga David!"

Noong nakaraang linggo pa nila ako ginaganyan, si Renz ang bukang bibig sakin.

Tatlong buwan na ang nakalipas, January na ngayon, panibagong simula na naman. Tatlong buwan na nakalipas ng mawala si Jayson. Sa loob ng tatlong buwan na yun, may nagbago sa aming magkakaibigan pero agad din naman bumalik.

Tatlong buwan na ang nakakalipas, ang huling pag-uusap namin ni Renz. Isang linggo pagkatapos ng libing ni Jayson, hindi na kami nag-usap hanggang ngayon.

Hindi naman ako nasasaktan o ano, wala lang. Okay lang. Balik na uli sa dati. Pero tangina si Renz pa din talaga.

Yung totoo? Hindi ko naman tinigil, tama sila na hindi ko iniintindi yung feelings ko. Masyado akong natakot. Pero okay na ko sa ganto, crush crush lang.

“Ooy Nadia! “

“ano na naman kailangan mo? “ tanong ko kay David, nitong mga nakaraang araw pa ako naiinis sa kanya. Ako lagi ang nakikita nya, bwisit!

“Samahan mo ko”

“Saan-aray! “

“Sorry hahahaha”hinigit ako ni David papalapit sa kanya at tsaka sinama sa paglalakad nya

“San ba tayo pupunta? Arian! Patabi nga nung notebok kooo! “sigaw ko kay Arian, sana narinig nya ko, nakikipag daldalan kasi sya kila Aj

“Sa Canteen, lilibre mo ko hahahah” napatigil ako sa paglalakad at inalis yung pagkaka akbay sakin ni David

“David ATM ba talaga tingin mo sakin? Ano ako, pag hinila mo kusa kitang bibigyan ng pera? Gago ka! “sigaw ko sa kanya,.

“Dali na, wag ka na magdrama dyan. Tara na! “

Wala na kong nagawa dahil hila hila nya na naman ako. Hindi ko alam bakit hindi ko pa pinaptumba tong si David hahahaha. Waoang silbi yung pagtitipid ko sa pagkain kung si David naman ang gastos ng gastos.
Pagbaba namin at bago dumeretso sa canteen, nakasalubong namin si Renz kasama si Mark.

“A a David hila hila mo na naman si Nadia “ sabi ni Mark

“Syempre ganto talaga pag mag jowa laging magkasama hahahha”

“Tangina David, magtigil ka nga! “suway ko kay David.
Gago ngayon ko narinig kay David yung ganto. Kapag naman napapansin nila na hila hila na naman ako ni David sasabihin lang nya “Treasurer ko” hindi ko alam kung saan ako matutuwa. O dapat pa ba akong matuwa?

Napatingin ako kay Renz na bored na nakatingin saming dalawa ni David. Bakit kaya hindi na sya mauna maglakad. Panira ng araw muka ni Renz. Pangit.

"David tara na nga!" bigla sabi ko kay David at ako na ang nanghigit sa kanya.

"Bat naiinis ka bigla dyan?"

"Pangit ng muka ni Renz, bilisan na"

Natawa na lang si David sa sinabi ko buti na lang hindi nya ko inasar asar.
Pagpasok namin sa canteen, binigyan ko lang sya ng pera at ako naupo lang. Sa inupuan ko merong dalawang notebook at isang pen na nakapatong, hindi ko na pinakeelaman, baka sa staff lang yan.

Sa tagal bumili ni David, potekk inubos na ata pera ko. Sa tagal nya ngang bumili naisip ko yung nangyari kagabi sa bahay.

First time kong narinig na nag-away yung parents ko, ang lala ng sagutan nila.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon