~~~~~Kinuha ni papa yung susi ng kotse ko. Dumating yung sasakyan dito ni papa, kala ko may binalikan lang si papa pero ang nagmamaneho na ay si Kuya Josh yung isa sa mga staff sa restaurant. Simula daw ngayon sya na ang maghahatid sundo sakin, bilin daw ni papa.
Hindi na ko kumain, naligo na ko at nag-ayos para pumasok. Paglabas ko nang bahay tinawag pa ko ni Eman, pero nginitian ko lang sya ng piit. Wala akong gana ngayon sa lahat. Pumasok na ko sa sasakyan at pinaandar na ni Kuya Josh.
"Ma'am Nadia pasulat na lang po number nyo dyan, bilin din po kasi ng papa mo" sabi sakin, kinuha ko yung papel at ballpen sa dashboard at nilagay yung phone number ko.
"Nadia na lang po Kuya Josh" sabi ko. Nakatulala lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung pano ko haharapin si Renz o kailangan ko ba talaga syang harapin. Sya dapat ang mahiya sakin, sa mga pinag gagawa nya.
Habang papalapit na sa school, inayos ko na yung itsura ko ayokong magtaka sila Val. Ayoko na munang magsabi ng kahit ano kahit na kanino."Dito na ma-Nadia... Anong oras kita susunduin?" tanong sakin ni Kuya Josh
"Depende po e...text na lang po ako"
Bumaba na ko ng sasakyan at naglakad na papasok ng school. Medyo madami ng estudyante, dumeretso na ko sa room namin. Andito na sila Arian at David
"Good morning Nadia, musta ang date nyo ni Renz? Hahahha" tanong ni Arian sakin.
"okay lang" tanging sagot ko. Hanggang maaari ayokong makahalata sila. Buti na lang dumating na si Aj at may kadaldalan na si Arian. Kaso si David naman ang kumakausap sakin
"Anong nangyari sayo?" tanong nya
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala...Parang may iba lang sayo ngayon e"
"Guni guni mo lang yan" sabi ko sa kanya
Gandang bungad ni ma'am samin, may pa surprise quiz, umagang umaga gamit na gamit yung utak ko. Ma'am bat ka pa nakikisabay sa pinag dadaanan ko? Hahaha char lang. Juuusko nababaliw na ko.
"Nadia pakipasa na din" sabi sakin ni Aj, inabot nya sakin yung papel nya ganun din si Arian. Pumunta na ko sa unahan kay ma'am para ipasa yung papel. Pagkaabot ko kay ma'am nginitian pa ko ni ma'am na parang nang-aasar.
May eksena nga pala kami ni Renz nung prom.
Tangina sana hindi na lang nangyari yun. Sabi na nagsayang lang ako ng oras oara dun. Kung alam ko lang na sa ganto kami mauuwi ni Renz dapat hindi na ko nag aksaya ng oras para dun."Nadia okay ka lang ba? Bakit ang tamlay mo? May sakit ka ba?" tanong ni Aj sakin
"Sabi sa inyo may iba sa aura nya ngayon e" sabi naman ni David
"Wala akong sakit. O-okay lang ako" sagot ko sa kanila. Alam kong malalamn din nila.
Malalaman nila na w-wala na kami ni Renz. Hindi pa nga sure kung nagkaroon ba talaga ng kami. Tumungo agad ako sa desk ko dahil nagbabadya na naman yung mga luha ko. Eto ang mahirap e hindi ko alam kung kaylan mawawala yung sakit. Kaylan ako magiging okay.Natapos yung dalawa pa naming subject at break time na. Bumibigat lalo yung dibdib ko. Ayoko syang makita kung p-pwede lang. Baka kasi pag nakita ko sya umiyak lang ako sa harap nya.
"Hindi ka pupuntang canteen?" tanong ni Arian, umiling lang ako sinabi ko na sa library lang ako. Hindi pa din naman ako nagugutom. Baka mamayang gabi ako bumawi sa pagkain.
Dumeretso lang ako ng library, buti na lang ako lang ang estudyante. Wala talaga akong gagawin dito. Ayoko lang talagang makita sya...
Kaninang break time pinagbigyan ako na hindi sya makita pero ngayong lunch break hindi na.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020