Kabanata 25

59 4 0
                                    


~~~~~~~

"Napaka galing talaga ng mga alaaga ko!"

"Coach baka naman hahahah"

"Kahit perfect 99 sa card hahahaha"

"Osige sige, sabihin nyo yan sa adviser nyo hahahah"

"coach naman!"

"Congraaaaatsss uli sateeenn!"

Alas tres natapos ang laro namin. Syempre kami ang nanalo. Magaling ata ang stem.

Andito kami sa room, sa likod ng gym. Nagkasayahan lang kami dito at nagpasalamat samin si coach para na din syang nagbigay ng speech hahahha, ganun din ang ginawa namin sa kaniya, nagpasalamat din kami.

Kalahating oras din kaming andito sa room bago magpaaalam samin si coach. Nagsabi pa sya samin na magkakaroon daw kami ng swimming this weekend ata.

"Anong oras daw iaanounce yung mga nanalo?" tanong ko sa kanila

"mamaya pa... Alas kwatro ata" sagot sakin ni Ell, isa sa team ko.

"Congratsss mvp, Mira Ancio wooooohhh!" sigaw ni Arian at nakisigaw na din kami.

"Mira baka naman, kung si coach may pa swimming ikaw?" tanong ko kay Mira

"Paladesisyon kayo hahahaha... Kung si coach sa swimming, ako na saaaa... Hahahaha alam na!" sigaw ni Mira dahilan para mag-ingayan kami.

"Hahahaha gago ka talaga Mira, baka pagalitan ka!"

"Mira lang malakas! Asahan ko yan ha!" biglang sabi ni Arian

"Asahan daw? Ulul ka Arian hahaha hindi ka naman nag-iinom" sabi ko kay Arian

"Napakabait hahahahahah"

Dahil tuloy sa sinabi ko inasar nila si Arian.

"Wag nyo ng banggitin sa iba baka pa guidance tayo hahahaha" sabi ni Joy

Sa mga ka team ko alam ko na diti yung iba ay nag iinom pero hindi naman yung mga nagpapaka wild ng sobra, yung iba tikim lang daw. Nalaman ko kasi na pag kwentuhan nadin namin.

Ako? Oo nag iinom ako pero may limit ako sa sarili ko. Wala pa naman ako sa legal age, natuto lang ako sa mga pinsan ko.

Nagpaalam na kami sa isat-isa na umalis na dito sa room.

"Arian asan daw sila Val?" tanong ko dito kay Arian.

"Nag chat kanina sa gc, andun daw sila sa tambayan mo heheheh"

Akin lang yun e, lakas ng loob nila makitambay. Nagbihis lang kami ng Arian at pumunta na sa tambayan ko.
Andito nga silang lahat. Sila Val, Aj at Jason nasa upuan, sila lang naman ang kasya dun. Yung iba naka upo sa lapag.
Kaylan pa nagkaroon ng teka dito at para gawin nilang upuan at higaan?

"Congraaaatsss senyoooo!"

"Arat na Nadia!"

"Arat? Saan?" tanong ko kay Mark

"Diba lilibre mo kami? Tapos na mga laro natin! Arat na!" paliwanag ni Mark.

Alam ko naman yung sinasabi nila. Sinabi ko din kay mama na nanalo ang team namin. Syempre kilala ko si mama, alam kong sasabihin nya na yayain ko mga kaibigan ko at pakaiinin.
Parang ayoko sabihin sa mga to, nakakarami na sila e. Pero baka ako ang pagalitan ni mama.

"Ano Nadia tuloy ba?" tanong din ni David, sa tabi nya ko umupo, sa isang gilid ko ay yung kinauupuan nila Aj.

"Kahit ayaw ko, wala akong magagawa" sagot ko sa kanya

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon