Kabanata 8

54 5 0
                                    


~~~~~~

"kilala ko sya,same school kami"

"Renz Savilla tss, alam mo ba pinag gagawa sakin nun? lagi nya kong inaasar, lagi nya kong pina prank, kawawa ako sa kanya,meron mga isang beses pinahiya nya ko sa maraming tao, doon sa may park tangina hindi ko makakalimutan yun. Apaka gago nya!...sorry sa pagmumura hahaha"

"ok lang ganyan din ako pag-naiinis...magka ano-ano kayo ni Renz?" tanong ko sa kanya

"Mag pinsan kami...ikaw magka ano ano kayo?" nagulat ako sa tanong nya.

"ha? wala...school mate lang"

"talaga? wala kang crush sa kanya? alam ko madaming nagkakagusto sa kanya sa school nyo hahaha...kahit gago yun hindi maitatangging pogi yun" pag kwento nya.
"Crush mo noh? aminin mo naaa!"

Medyo magaan ang loob ko kay Renz kahit na nung huling nangyari ay nasigawan ko sya.Pero kahit sino sa kanila, hindi ko munang kayang harapin.

"Three years" sagot ko sa kanya.

"Seryoso? Crush mo? For three years? alam nya?" hindi makapaniwalang tanong ni Tasha

"alam nya, at wala syang pake"

"ayy gago nga sya hahha, bakit daw?"

"may girlfriend sya diba?" dahil sa sinabi ko lalo syang hindi naniwala.
"Two years na sila"

"Wala syang pinapakilala samin, ang tagal na pala, pero mas matagal yung iyo three years hahah"

"hahaha kaya nga e...baka sa parents nya lang sinabi, first girlfriend nya ata yun" paliwanag ko sa kanya.

"etong bang Angela Naz?"tumango ako bilang pagsagot" eto pala, binabaliwala ko lang akala ko kaibigan lang sila"

"Maghihiwalay din yan" bigla ko na lang nasabi

"oo nga hahaha" hindi ko inaasahan yung pag-sang ayon nya sakin.

"Tasha thank you pala, dahil sayo may nakausap ako, nakakalimutan ko yung nangyari sakin"

"ok lang yun, hahaha friends na tayo ngayon ha!" sabi nya sakin at binuksan ang phone nya.

"pag okay na ko ipapakilala kita sa mga kaibigan ko dun, mukang magkakasundo kayo hahah"

"asahan ko yan! ok lang ba picture tayo?"

Pumayag naman ako, at magpicture kami, nahalata nya sa bawat ngiti ko pilit lang.

"teka hindi ko pa alam pangalan mo" ayy oo nga pala. baka isipin mya ako itong multo at walang pangalan.

"Nadia Gerona"

"Nadia, hinahanap na tayo ng lola Melia" sabi sakin ni ate Sab

"Hi ate Sab" bati ni Tasha, mukang kilala nya lahat ata dito.

"Tasha sama ka na muna samin"

-
Bumalik kami sa bahay, kaso pagbalik namin bigla na daw umalis si Lola, may kailangan lang daw puntahan. Buti na lang sumama dito si Tasha. May kasama akong kumain.

"Nadia, sigurado ka walang pake sayo si Renz?" napatingin ako kay Tasha dahil sa tanong nya.
Kumakain kami ganyan tinatanong nya?

"Oo wala talaga...baka nga yung pag buhat nya sakin kahapon napilitan lang sya"

"ano?"

"Ha? wala sabi ko, wala talaga syang pake sakin" yun na lang sinagot ko sa kanya.

Baka pag sinabi ko, tanungin nya yung nangyari, hindi ko pa kayang sabihin...ayoko nang balikan yun.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon