Kabanata 45

39 3 1
                                    


~~~~~~~

"Tasha pwede wag mo na lang banggitin kila Val yung sinabi ko sayo kagabi"

"Oo naman. Wala akong sasabihin kahit ano" sagot ni Tasha. Kasaluluyan kaming nag-aalmusal, pagkatapos namin dito, babalik na kami sa kanila.

"Kayo na talaga ni Renz?"

"Yun ang sabi nya sakin"

"Hindi ka sigurado, still gusto mo pa din sya... Sana nga yang meron kayo ngayon makatulong sayo, at sana hindi ka na masaktan. Grabe talaga kaba ko kagabi, kala ko kung anong nangyayari sa cr"

"Sorry, nasira ko yung beauty sleep mo hahahah"

Nag - ayos lang kami ni Tasha at umalis na nang bahay. Nagpaalam ako kay papa na kung pwede ko gamitin yung sasakyan, pwede naman daw basta umuwi kaming ligtas at walang gasgas dito.

"Tasha okay ka lang? Wag kang mag-alala eto yung first time na mag d-drive nang malayo"

"Wag mag alala? First time? Nadia hayaan mo naman ako icelebrate yung birthday ko".

"Sige hahahahah"

Kala ko hindi kakalma si Tasha hahahaha, pero nang mapansin nya na sanay talaga ako kumalma na sya.

Nakarating na din kami, tinanghali kami dahil traffic,si Tasha umuwi na sa kanila. Mamaya na kang daw uli. Alam kong busy sa kanila kaya hindi na ko sumama. Nag stay na lang ako dito kila Lola, nir-review ko yung presentation namin. Wala naman kasi akong magawa. Sana nga papasukin na ko ni ma'am bukas. Ayoko mawalan ng grade.

"Nadia san ka galing?" tanong ni Ate Sab pagkadating ko

"Bumili lang ako ng regalo para kay Tasha, wala kasi akong magawa ate"

Maya maya andito na sila Val, mga alas dos daw sila makakarating. Nag ayos lang ako. Kulay pink ang pinasusuot samin ni Tasha, kahit anong style basta pink. Simple lang yung 18th birthday nya, kami lang naman daw invited pati ang ilan nyang kaklase. Ayaw daw nya na masyadong bongga kahit gusto ng mga magulang nya.

_

"Asan sila Eman?" tanong ko kila Val, sila lang nila Arian ang nandito tsaka si Mark.

"Mamaya na daw sila" sabi ni Mark

"Dito muna tayo, hindi pa nag t-text si Tasha e" sabi ko sa kanila.

"Nadia hindi mo ba kasama si Renz dito?" tanong ni Arian

"Hindi, bakit sakin nyo tinatanong, kayo ang kasama sa school"

"Hindi sya pumasok sa school, bago kami dumeretso dito pinuntahan namin sa kanila sabi ni tita umalis daw" paliwanag ni Aj

"Baka pag punta nila David dito, kasama na nila si Renz"

"Hindi Val, kakatext lang sakin ni David, malapit na daw sila hindi nila kasama si Renz" sabi ni Mark

"Hindi mo talaga kasama Nadia?" ulit na tanong ni Mark

"Hindi"

Thirty minutes dumating na din sila David, gaya ni Mark sakin nila tinatanong kung nasan si Renz, hindi ko nga alam.

Naisipan namin na pumunta na kila Tasha. Pagdating namin andito na yung ilang pinsan nila na nakasama na din namin sa birthday ni Renz.
Sa may pool area katabi ng garden ang pinakang venue.

Dumeretso lang kami dito sa sala, sakto pababa si Tasha ng hagdan. Ang ganda nya. Nakaayos na sya.

"Wow/Tasha ang ganda mo"

"may igaganda ka pala hahahha"

"Gago ka Rey"

"Happy 18th Tasha"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon