Kabanata 5

88 7 0
                                    


~~~~~

Hindi ko alam kung bakit pinasunod ko dito sa may likod si Renz, isa din tong tanga sumunod nga.

Sa tingin ko ako lang pumupunta dito sa likod, nasa pwesto pa din kasi yung isang mahabang upuan na hinila ko galing lang din dyan sa tabi tabi hahah. Mapuno at madamo dito, malapit na nga ti maging gubat

Natanaw ko yung mahabang upuan, kailangan ko pang hawiin yung ilang sanga para lang makapunta doon. Bakit ko ba kasi nilagay sa dulo.

Umupo ako, umupo din si Renz.

"Bakit ka sumunod dito?" deretsang tanong ko.

"Pinasunod mo ko"

"Sumunod ka naman?"

"Pinasunod mo nga ako" sabi nya at biglang tumingin sakin. Iiwas sana ako ng tingin kaso, naisip ko eto na yung chance ko baka huling titig ko na din to sa kanya...

"Kapag ba sinabi kong i-crush back mo ko susundin mo? hmm?"

panigurado pagsisihan ko lahat ng sinabi ko at sasabihin ko sa kanya.

"Hindi" walang pag-aalinlangang sagot nya.

Aray ha! Aray! Ouch! Aguy!

"May sasabihin ka ba sakin?" tanong ko sa kanya at iniwas ko na ang tingin ko.

"ano...sorry?, sorry kanina napagtripan kita"

"ok lang yun" naging trip nya naman ako e kaya ok lang aarte pa ba ako.
"yun lang sasabihin mo?"

"May itatanong ako...Totoo-totoo yung nagselos ka?" nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung aaminin ko ba o hindi.

Saglit akong natahimik hanggang sa naisip ko sabihin ko na lang yung totoo.

Wala namang pinagkaiba kung sasabihin ko o hindi, parehas lang naman mauuwi sa wala.

"Oo totoo. tingin mo nagbibiro ako?" hindi ako makatingin sa kanya kainis. Ngayon ko na lang sya masosolo e.

Napailing sya at nagtanong ule "Bakit?"

Ano ba tong pinasok ko, ano to hot sit o confession room?. Pwede mag call a friend? kahit si David na lang o.

Hindi ko pala sya friend may galit pa din ako sa kanya.

"Tingin mo bakit may nagseselos? Bakit kailangan magselos?...Kasi- mahal mo yung isang tao, kung wala kang nararamdam na kahit katiting na selos, edi hindi mo sya mahal"

Naiiyak ako juskooo, apakaiyakin. Ang haba haba ng sagot ko, wala naman syang pake kahit anong sabihin ko.

Mali atang pinasunod ko pa sya dito. Mas nasasaktan ako. Masakit

Bumalik yung luha ko dahil sa pag tawa nya. Buti na lang tumawa sya, ayokong makita nya kong umiiyak.

Pero anong nakakatawa? Tiningnan ko sya nang may pagtataka.

"Mahal? Mahal mo ko? Akala ko ba crush mo lang ako?"

Ohh myyy! Ano bang sinabi ko?...

Kasi- mahal mo yung isang tao, kung wala kang nararamdam na kahit katiting na selos, edi hindi mo sya mahal.

Mahal... mahal...

Juskooo ang laking shunga! pwede namang sabihin na crush bakit mahal pa!

" A-ano, mali...ahmm oo crush...Ayy jusmeee wala na kong pake sa mahal mahal o crush crush na yan! Wala ka din namang pake dyan! Kahit crush kita, hindi mo ko icr-crushback! kapag sinabi kong oo mahal kita, hindi mo din naman ako mamahalin pabalik!....Potekk ang drama ko! bwisit umalis ka na nga dito! wala kang dulot sakin! Alis!...shoo!"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon