Kabanata 27

41 3 0
                                    


~~~~~~~~

Agad akong umahon sa pool at iniwan si Renz. Nagtanong ako kay Mira kung nasan yung cr tinuro naman nya sakin, sumama din si Arian sakin papunta sa cr.

"Nadia mauna ka na dun, kuha kitang towel" paalam ni Arian, at ako naman ay tumuloy na sa cr.

Pagpasok ko sa cr, pumasok ako sa isang cubicle at hinubad yung pang taas ko at pinigaan ko ito, kaso ang problema pano ko to makakabit, patali nga pala ito sa likod.

"Nadia?" narinig kong tawag ni Arian

"Arian andito ko sa dulong cubicle, patulong naman dito"

Agad naman akong dinaluhan ni Arian, may dala din syang bagong maong short, buti na lang kasi ang bigat na nitong suot ko.

"Ano ba kasing nnagyari sa inyo ni Renz at mahulog-gago Nad! Anong nangyari sa leeg mo? Oh my-wag mong sabihin si Renz may gawa nyan?" gulat na gulat na sabi ni Arian at hinawakan ang gilid ng leeg ko.

"Si Renz nga tangina nya!"
Umalis na ko sa cubicle ng matapos na maitali ni Arian ng mahigpit yung damit ko at dumeretso ako sa malaking salamin. Tiningnan ko yung ginawa sakin ni Renz.

"Matagal ba to mawawala?" tanong ko kay Arian, ang ginawa nya ay tiningnan mabuti

"Nad hindi ako sure, baka hangang lunes nandyan pa din yan masyado ka yatang pinanggigilann ni Renz"
sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya.

Kahit anong takip ko ng buhok wala pa din, kita pa din.

"Arrghh Arian ang pangit tingnan, ayoko ng may ganto!" irita kong sabi.

"Wala tayong magagawa andyan na yan Nadia, bat daw ba nya ginawa-"

"Tangina gusto nya ipakita na may nag m-may ari sakin, ang gago lang Arian hindi ako kanya! Tsaka ano to? Batas na ba to? Ano to? Kailangan lagyan ng ganto para malaman na iba na may nag m-may ari sa kanila? Tangina lang talaga!" kulang na lang sumigaw ako dito sa cr dahil sa galit ko.

" Kung sa iba gusto gusto na may ganto sila ako hindi! Ako hindi, ayoko ng may ganto! Bwisit kang Renz ka talaga! "

" Tangina nga talaga... Pano yan Nad makita yan ng papa mo hinsi mo pwedeng sabihin na kagat yan lamok o ano e halatang halata na hickey yan"
Lalo akong namoblema sa sinabi ni Arian.

"Bahala na, tara na dun" yaya ko pero bago umalis may hinanap ako, may dinala ba si Arian?

"Arian may dala ka bang towel ko?"

"Hala oo nga, wala ba kong dala? Alam mo hawak ko na yun kanina"

"Etong short lang dala mo-Arian naman, tara na nga"

Umalis na kami ni Arian sa cr at pumunta na sa loob.
Pagbalik namin andun na ata ang lahat. Andito na nga, yung dalawang coach nasa may bar counter may kausap.

"Oy Nadia, Arian!" napalingon kaminsa kabilang side, nakita namin si Eman?

"Buti pinasama sya ni Coach"

"Isa lang naman sya at nanalo kaya sinama na sya" sagot ni Arian. Nginitian muna namin sya at pumunta kami sa tabi nila Mira andun kasi yung gamit namin.

"Nadia ok ka lang?" tanong ni Joy sakin

"Oo"

"Nadia hickey yang nasa leeg mo?" gulat na tanong ni Joy dahil sa sinabi nya na patingin samin sila Mira at Andrea.

"Tangina may gawa nito- may band aid ba kayo?"

"ako ata meron"
Tiningnan ni Mira kung meron talaga sya kaso wala daw pala.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon