Kabanata 19

58 3 0
                                    


~~~~~~

Araw ng sabado, eto na yung huling practice para sa gaganaping sport fest. Nakakainis ang aga namin pinapapunta sa school. Seven kailangan nasa school na. Konti lang ang kinain ko nagmamadali ako, pag ako nagmadali sa wala nakuuuu...

Eto ako ngayon nasa may rooftop, sabi kasi seven nandito na tas ngayon ang konti pa lang ng andidito. Nakakainis, kala ko ba walang ma l-late?.

Nakatulala lang ako dito sa rooftop hanggang sa nakita ko sila Jason at Dette na magkasabay pumasok.

Una parang nagagalit si Dette tas bigla na lang sila magtatawanan.

Bakit ko ba sila pinapansin?
Biglang tumunog yung phone ko, may nagchat pala, si Rey sabi sa rooftop daw kami may dala syang almusal? Wow bait a hahahha.

Pero wala akong balak kumain, oo konti lang kinain ko kanina pero ayoko kumain. Tsaka wala namang pumipilit sakin na kumain ako hahaha.

Pumunta ako sa tambayan ko, sana hindi ako nakita nila Jason.

Papatagal ng papatagal, palago ng palago yung mga damo dito. Wala bang nagtatabas dito? Kainis ha! Hahahaha

Hanggat walang nagpapapunta samin sa court dito muna ako.

-

Kanina pa ko nakakatanggap ng chat galing kila Val, uubusin na daw nila yung pagkain ko. Edi ubusin na nila. Eat well.

-

Ilang minuto pa ko tumambay dito bago ko naisipang pumunta na sa court, naririnig ko kasi yung iba na may nagpapapunta na sa kanila. Ngayon kasi practice ng yell, at sasabihin yung mga schedule.
At ang pinakamaganda ibibigay yung uniform namin base sa kung anong sport namin. Diba ang galing, wala kaming binayaran para sa patahi ng damit namin. Pagliko ko, saktong nakita ko pababa na din sila Val, lahat sila kasama nila si Kc at si Dette.

"Nadia!" sigaw sakin ni Arian, lumapit na din ako sa kanila at sumabay na din papunta sa court

"San ka galing?" tanong nya sakin ng makalapit ako.

"Dyan sa tambayan"

"Gagang to, andyan ka lang pala bakit hindi ka pumunta sa rooftop?" Sabi sakin ni Aj

"Wala lang"

"Ah Nadia nagtatampo ako, ayaw ko ba ng pagkain-"

"Arrghh Rey wag kang magdrama! Busog ako, tsaka mas gusto ko muna sa tambayan ko" paliwanag ko kay Rey

"Daya naman, may tambayan ka? Hindi ba kami pwede dun a a Nad! ?" Narinig kong sabi ni Emman sa likod ko.

"Hindi kayo pwede dun, ako lang pwede -"

"talaga?" sabay na sabi nung tatlong bakulaw hahahah, sila Aj

"Ako lang naman talaga pwede dun, hindi ko naman pinayagan yung iba na pumunta dun" paliwanag ko. Makaangal to, kala mo hindi sila pumunta dun.

Pumila na kami, na kanya kanya naming team. Nag-isip ng yell at nagpractice, para lang kaming elementary hahahah.
Sinabi na din ang schedule. Sa lunes Badminton at yung ibang mind game na gaganapin lang sa isang room kaya bawao manood dun. Kailangan kasi ng focus at dapat hindi mad-distract ang mga players. Sa Martes Basketball at Sa Wednesday Volleyball, pagkatapos iaanounce na din kung sino ang mga mvp at ang team na matutupad yung mga sinulat nila kahapon.

Dalawang oras ang tinagal ng meeting na yun, pagkatapos binigyan din kami ng oras para magpahinga o kumain para sa gagawing practice.
Pumunta kaming tatlo nila Val sa canteen.

"Nad bakit ka talaga hindi pumunta sa rooftop kanina?" tanong sakin ni Arian ng makarating na kami sa bakanteng table.

"Inaantok lang ako, tsaka wala talaga akong balak kumain kanina" paliwanag ko sa kanila.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon