Kabanata 70

32 1 0
                                    


~~~~~

"Aj tayo na lang ata matino dito"

"Pakuha pa nga ng baso, ipupukpok ko lang sa dalawang to"

"HOY! Ano tatanga lang kayo dyan?"

"ha?"

"Anong ha? Kayong dalawa ni Val okay lang ba kayo? Pagsakay ng sasakyan hanggang sa pagbaba ganyan kayo! Ikaw Val kinausap ka lang ni David at ikaw Nadia! Juusko gagawin nyo pa atang hotel ni Renz yung labas ng bar!"

Natauhan ako sa pinagsasabi ni Aj. Hindi ko alam bakit ganun ang inasta ko kay Renz, tangina nawala antok ko.
Andito lang kami kila Arian, kumakain ng ice cream. Wala ata kaming balak matulog, sisikat na yung araw.
Pagtingin ko sa ice cream ko malapit na matunaw, ganun din yung kay Val. Nag-usap pa pala sila ni David kanina.

" Hindi talaga kayo magsasalita?" pagtatanong ni Arian

"wala naman akong sasabihin" sabi ko sa kanila

"Oo wag ka na magsalita Nadia, baka kung anong masabi mo-pinag gagawa nyo ni Renz kanina. Aware ba kayo na madaming tao sa labas?"

"Wag mo nang ipaalala. Wala ako sa sarili nun. Tsaka oa kayo wala kaming ginawang masama. Hindi masama yung ginagawa namin" pagpapaliwanag ko. Wala naman talagang masama sa paghahalikan diba? Tsaka bar yun, normal na yun dun?

"Kulang na lang-"

"Arghh Aj manahimik ka na. Ayan o si Val kausapin nyo mukang malala pinag dadaanan nyan" sabi ko sa kanila at sinimulan ko na pagkain sa ice cream ko. Mas gusto ko sanang matulog kaso ewan nawala antok ko kanina.

"Valerie"

"Wala rin akong sasabihin" sabi ni Val samin.

"okay" sagot ni Aj

"okay? Kapag ako, hindi tinatantanan!"

"Nadia manahimik ka hahaha...seryoso na. Val alam naming hindi ka mahilig magsabi pero andito lang kami ha, kung ano man yan-"

"sorry talaga. Ayoko muna magsalita, hindi ko pa ma process yung mga nangyayari sakin. Kapag okay na, magsasabi ako alam ko rin naman na isa kayo sa makakatulong" paliwanag samin ni Val

Usapan kanina walang matutulog pero yung dalawa si Aj at Val tulog na, kami na lang ni Arian andito sa baba.

Kababasa ko lang ng text ni Renz sakin, sya na raw susundo sakin dito at ihahatid pauwi.

"Arian uuwi na rin ako maya maya pasabi na lang sa dalawa"

"San ka sasakay? Susunduin ka ni Renz?" tanong nya, tumango naman ako

"Nad yung totoo, kayo talaga? Walang arte arte kayo na talaga?" bigla nya pang tanong sakin

"Oo"

"Sure na yan?"

"Oo sure na. Alam ko nag aalala kayo sakin pero promise last na to. Kung may mangyayari man, titigil na ko, sobra na e... Pero sana wala nang mangyari" paliwanag ko.

"Sana nga...hindi buong buhay mo magpapakatanga ka-pero hindi ko ibig sabihin na pagpapakatanga yung ginagawa mo kay Renz, yung meron sa inyo, dyan ka masaya, hindi naman siguro magpapakatanga yung dahilan ng pagiging masaya mo"

"thank you Arian. Last na talaga yung mga nangyari noong nakaraan, nakakapagod na rin magpakatanga sa lahat"

"Salamat naman at hindi na ko ma s-stress sa love life mo hahahaha"

"masyado ba kitang na stress?"

"Hindi lang ako at hindi lang masyado! Hahahaha- andyan na ata si Renz" narinig namin na may bumusina sa labas, ang bilis naman nya!

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon