Kabanata 6

80 10 0
                                    


~~~~~

Isang linggo nakalipas, wala pa din pagbabago. Patuloy pa din ako sa kakaasa na maghihiwalay sila Renz at Angela.

Tuwing hapon lahat ng student busy sa practice. Kagaya ngayon,hinihintay na lang namin yung ibang kakampi namin.

Noong nakaraang linggo nalaman ko na sumali ng volleyball yung isa sa kaibigan ni Angela, yung gumising sakin sa restaurant. Sila Angela at yun isa nya pang kaibigan wala atang sinalihan.

Twelve kami sa isang team pito galing sa stem A tas lima galing naman sa Stem B.Tatlo lang kaming bago dito.

Malawak naman ang court namin kaya dalawang strand ang nandidito. Sa may field andun ang dalawa pa. Mas Malawak ang field kaya andun ang mga badminton players, ang players ng basketball nasa gymnasium andun sa loob. Ang mga bored game ay nasa kanya kanyang assigned room.

Sa ngayon ang ginawa ni sir ay gawin muna kaming magkalaban, stem A at stem B. Kumuha si Sir ng isa sa stem A para balance ang bilang ng player.

Nagsimula na kami mag practice. Noong nakalipas na isang linggo ilang beses ako nagkamali, pero habang tumatagal nakukuha ko na. Kinabahan lang talaga ako sa una.
Meron pa kaming isang buwan ata para mag practice.

Biglang may pumito. Si Sir Darma pala. Ang namumuno o sya yung nagh-handle para dito sa sport fest. Sya ang pinuno hahah sabi ng ibang teacher. Si Sir Darma magaling yan sa Volleyball at Basketball. Karamihan dito ang mga teacher at mga coach din.

Lahat ng nasa field at court natahimik at napatigil.

Lahat kami nagulat sa sinabi ni Sir.
Trial game lang daw para sa volleyball player. Gusto daw nya makita kung may improvement na sa nakalipas na isang linggo. Grabe isang linggo pa nga lang yun. Tsaka bakit may pa Trial Game na agad.

Wala kaming nagawa kundi sumunod at maghanda. Ang ilang player ng badminton nainis dahil naistorbo daw sila hahah.

Namili si Sir kung sino ang pag lalabanin.
Ang Humss sa Gas, at ang Gas ay sa STEM. Kung sino manalo paglalabanin.

Pinaalalahanan kami ni Sir na relax lamg daw hindi naman daw to totoong game. Kahit sabihin ni Sir sa Stem na relax karamihan samin kinakabahan syempre kasama na dun si Arian.

"Sir pwede mamaya na po ako?" sabi nya kay sir, pumayag naman si Sir.

Pinalipat kami sa gymnasium, pagdating namin andun na lahat ng estudyante. Grabe ngayon ko lang napansin kung gano talaga kalaki tong gymnasium namin.

Humss at Gas ang unang maglalaban. Isang game lang muna daw, kung sino ang dalawang team na matitira tatlong game ang gagawin.

Pinaupo kami ni sir sa kabilang side.Sa kasamaang palad nasa likudan sila David at syempre kasama mga tropa nya.

"Go Ms three years hahaha" sabi ni Eman

"Oy Nad, bakit ka naka jogging pants? ikaw lang ata naka jogging pants sa inyo hahah" sabi ni Aj. Andito din pala sa likudan namin.
Mga mang-aasar lang sila e

"Ayoko" sagot ko sa kanya. Walang masama kung naka jogging pants.

"Arian ok ka lang? hahah" pang-aasar ni Rey kay Arian.

Lagi talagang kinakabahan si Arian pero pag andun na naman ang lakas na ng loob nya parang yung sa presentation nila hahah.

"Epal! Bakit ka ba andito? Humss ka diba, doon ka sa kabila!"

"Si Eman din naman"

"Arian, walang nagsabi na kailangan umupo sa side ng ka strand.Manahimik ka" sabi ni Eman

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon