~~~~~~"Gagi Dette joke ba yan? Hahahahah" tanong ko kay Dette, kahit anong gawin ko, hindi kapani paniwala talaga.
"Hindi mo... Hindi nyo pa ba nahahalata? Ano Nadia masaya ka na? Nasayo na o"
"Ako sasaya? Tangina hindi. Tsaka Dette wag mong iliko yung usapan. Bakit ka pa andidito? Dette konting hiya naman samin o, hindi mo ko masisira sa kanila at hindi hindi mo kami masisira dahil lang sa pagkagusto mo dyan kay Renz"
"Dette hindi ako makapaniwala na kayang mong gawin yun, nandamay ka pa talaga" narinig kong sabi ni Jason
"Dette may problema ka ata e, gawain pa ba yan ng matinong tao? Gagawa ka ng ganyan dahil lang sa lalaking hindi mo makuha? Hindi ka ba nahihiya? Kahit kay Kc na ngayon hindi makapaniwala sa ginawa mo" sabi bigla ni Val.
"Hindi nyo ko naiintindihan! -"
"Hindi ka talaga namin naiintindihan. Dette kahit papano tong mga to, sila Jason, pati yang si Renz nagkaron yan ng tiwala sayo, kahit ako nung una nagkaron ako ng tiwala sayo kahit konti tas eto yung gagawin mo sakin? Samin? Dette sa susunod wag ka ng lalapit samin, kung sisirain mo lang kami... Kung hindi mo mapigilan na lumapit samin dahil dyan kay Renz pwede mo sya isama... Yun ay kung sasama pa sya sayo"
"Napakayabang mo Nadia!" sigaw ni Dette.
Yun lang yung sinabi nya at umalis na. Tangina hindi pa ko tapos lalayasan nya ko? Wag na talaga sya makakalapit sakin. Bwisit sya.
" Ano Renz? Ipipilit mo pa na naghalikan kami ni Jason? Napaghahalataan walang tiwala samin a "
" Sorry" hindi ko pinansin yung sorry nya umalis na ko. Sinama ko na din yung tatlo.
"Hindi namin alam na may ganung pangyayari kanina, hayop na Dette yun!" sabi ni Aj
"Buti nalaman mo agad na si Dette yun, kaya pala umalis ka kanina..."
"Val hindi na ko makatiis e. Tangina lang talaga."
"Kalma na Nad, ang mahalaga tapos na, okay na. Buti na lang hindi kumalat yung picture, baka ganun din isipin ng iba tss" sabi ni Arian
"Hindi ko akalain talaga na aabot sa ganun si Dette"
"Wag na natin pag-usapan, baka lalo lang ako mainis. Isa pang gawin nya yun ewan ko na lang kung anong magagawa ko sa kaniya" sabi ko sa kanila.
Nakarating kami sa canteen at si Arian na ang bumili para samin."Pero maiba Nad, naniniwala ka dun sa sinabi ni Dette? Na ikaw yung gusto ni Renz?" biglang tanong ni Aj
"Hindi"
"Bilis sumagot a hahahah, kahit kilig, hindi?" dagdag na tanong nya
"Wala din. Hindi ako naniniwala. Maniniwala lang ako kung galing mismo kay Renz at kung pinaparamdam nya hindi yung gaya kanina na pinipilit nyang naghalikan kami ni Jason" paliwanag ko
"Sige sabi mo e hahahaha. Muka namang hindi ka talaga naniniwala, si Arian kasi muntik ng kiligin kanina kung hindi lang kinurot ni Val hahahaha" natawa na lang ako sa sinabi ni Aj
"Ano palang nangyari kay Jason?" tanong ni Val. Dumating na din si Arian na dala ang pagkain namin.
"Nagkaproblema sa kanila, at mukang may problema din sya. Nagtext kasi sakin si Mek, tatlong araw na raw syang hindi umuuwi. Pero okay na nakausap ko na sya" paliwanag ko
"Akala ko ba galit ka?"
"Sinantabi ko muna, baka bukas na bumalik na yung galit ko hahahaha"
"Nadia nyo baliw na hahahah"
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020