Kabanata 35

60 5 0
                                    


~~~~~~~

Halos si Tita naman ang mahimatay dahil sa narinig nitong si Joycewin.

Tama ako, tama ang kutob ko. Pero pano? Bakit walang sinabi samin si Jayson na may girlfriend sya? Jayson gano ba karami at kabigat yubg sikreto mo?

Hinayaan muna namin sila Tita ang kumausap kay Joycewin. Kami lumabas muna para magpahangin.

"Hindi ko kinakaya" sabi ni Arian

"Bakit parang nagkaroon tayo ng obligasyon na tulungan si Joycewin?" tanong naman ni Aj

"Walang kasiguraduhan, ang alam ko... Ang alam ko walang girlfriend o babae si Jasyon... Isa lang naman ang alam nating nagustuhan nya"

"Si Nadia" patuloy ni David sa sinabi ni Mark.

"Teka nga muna, bakit kaya hindi natin alamin mamaya kay tita tsaka kay joycewin yung totoo?" sabi ko sa kanila. Na s-stress na ko.

"Pano kung totoong may anak si Jayson?" tanong ni Arian

"Wala ba talagang nababanggit sa inyo so Jayson? Kahit ano? Tungkol sa mga babae, wala ba syang kinikilos na-"

"Aj wala. Kahit sa phone nya wala syang babae dun. Isa lang pala... Si Nadia. Picture ni Nadia ang nakita kong babae sa phone nya maliban lang sa atin at sa kapatid nya"

"Naman David, maliban lang satin. Malamang magkakaibigan tayo hindi talaga-"

"Aj solo picture lang ni Nadia, stolen" sagot ni David. Sumang-ayon sila Mark sa sinabi ni David. Mukang pinapakeelaman talaga nila ang phone ni Jayson.

Pansamantala kaming nanahimik, nag-iiisip kung ano pa bang pwede naming malaman. Baka mamaya may isang sikreto na naman ang dadating dito.

Jayson iniwanan mo na nga kami, pipahirapan mo pa utak namin.

"O Nadia san ka pupunta?"

"Kay Mek" sagot ko kay Mark. Nakita ko kasi si Mek, kapatid ni Jayson, na naglakad papunta sa likod.

"Mek!" tawag ko sa kanya.

"Ate"

"Anong gagawin mo dito?" tanong ko pero hindi nya ko sinagot. Naupo sya sahig at sumandal sa pader, ginaya ko naman sya. Parehas kaming nakatulala sa makapal na gubat.

Naagaw ng aking pansin yung binuklat na papel ni Mek na kanina pa pala nakaipit sa palad nya.

"Anong nakasulat dyan?" tanong ko sa kanya.

"Ate secret lang po ito... Kaya po ako pumunta dito para basahin ito pong nakasulat. Nakita ko po kasi sa may unan ni Kuya" paliwanag nya at inayos nya ang papel na nagkalukot lukot na.

"Ikaw na po pala magbasa ate" sabay bigay nya sakin ng papel. Tatanungin ko sana kung bakit pero napansin kong namunula yung ilong nya, alam kong iiyak sya kaya hindi ko na tinanong pa. Basahin ko na lang din.

Kaylan kaya gaganda sulat ni Jayson- Kaylan? Nadia ano? Tingin mo mapapaganda nya pa yung sulat nya?

"Simulan ko na Mek... Ang corny pero hindi ko alam bat ako gumagawa ng ganto. Kung makakaalis lang sana ako, baka naghihilik ako ngayon kesa nagsusulat ng kakornihan, wala lang. Ewan hahaha. Gusto ko sanang gisingin yung kapatid ko para makapag bonding kami sa natitira kong araw. Kaso pagod sya, tinulungan nya sa mama na dapat ako ang gagawa. Mek alam ko na medyo pakielamera ka kaya alam kong makikita mo to. Sana. Kung binbasa mo to na buhay pa ko, ibig sabihin bad girl ka, kasi pakielamera ka talaga. Kung binabasa mo naman to na na wala na si Kuya, goodgirl ka kasi hindi ka pumuslit sa kwarto ni Kuya. Goodgirl ka naman talaga Mek. Wag mo sana akong gayahin na bad. Mek alam kong mababasa mo talaga to kahit hindi ikaw ang makakita. Mek ikaw lang yung babaeng mahal na mahal ni kuya. Bukod kay Mama hahaha. Mek gusto ko makita kitang lumaki at maging attorney. Kahit na wala ako sa tabi mo. Mek mahal ka ni Kuya. Alam ko namang magkikita pa tayo. Maghihintay ako. Enjoy ka lang. "

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon