Kabanata 53

26 1 0
                                    


~~~~~~

"Akala ko naman wala na tayong klase, bakit may pa quiz bigla?" reklamo ni Aj sakin.

May teacher kami ngayon na akala namin wala since nag start na mag practice para sa cotillion halos lahat ata ng kaklase namin kasali. Hindi ko sure kung kami lang ba yung klase at quiz ngayon o pati yung yung iba din.

Nagpatuloy lang si ma'am sa pagpapa quiz. Talagang dito pa sya room nag check, ayaw nya ba kami palabasin? Napapansin ko sa kabilang building may mga estudyante sa labas, ang building lang namin ang tahimik etong buong second floor. So strand lang namin ang may klase at quiz? Unfair.

Pagpatapos mag check ni ma'am at irecord yung score namin, umalis na din sya. Pero hindi muna kami lumabas baka kasi mamaya may next teacher pa kami.

"Nad may gown ka na ba?"

"Wala pa, balak ko sanang pumunta mamaya sa shop, yung binilhan ko last year. Ikaw meron na?"

"Wala pa din, sama na lang ako sayo mamaya. Dun na kang din ako" sabi nya sakin

"Sila Val at Arian baka sasama satin"

"Si Val malamang hindi na, alam mo namang mama nya mismo nag aasikaso sa mga gown nya. Si Arian sasama yun" paliwanag nya sakin. Bibili na lang kami, or arkila sayang kase isang gamitan lang naman.

Lumabas na kami ng room, dinala na namin yung bag namin. Sigurado na wala na namang magtuturo. Dinala na din kasi ng kaklase namin yung bag nila.

"San ka manonood Nad? Kila Renz ba? Ay tela, kanina pa sila a. Hindi pa ba sila tapos?" tanong sakin ni Aj

"Mauna ka na sa gym, daan lang ako kay Renz"

"Ge, pag kailangan mo resbak. Andito lang ako hahahaha" pahabol nya pang sabi sakin bago kami naghiwalay ng daan.

Dumeretso ako sa room kung nasan sila Renz at Angela. Wala akong naririnig na music. Hindi muna ako pumasok, sinilip ko muna sila sa bintana. Nakita ko lang sa loob ay si Renz na hawak yung phone ko. Ano na naman tinitingnan nya

"Renz...tapos na kayo?" tanong ko sa kanya pagpasok ko.

"Hindi pa...Bakit ngayon ka lang pumunta dito?" tanong nya sakin. Inayos nya yung upuan na nasa tabi nya para doon ako umupo.

"Hinihintay mo ba ko?"

"Oo, kala ko kasi manonood ka dito"

"Pwede ba?" tanong ko. Kahit naman pwede mas pipiliin kong hindi manood dito. Baka mairita lang ako

"Oo"

"May klase kasi kami, katatapos lang. Asan pala si Angela?" tanong ko sa kanya

"Kalalabas lang, nasa cr ata"

"Renz baka hindi na ko makasabay sayo pauwi, may pupuntahan kami nila Aj para sa gown namin"

"Pwede naman na ako maghatid sa inyo, para maihatid din kita pauwi" sabi nya sakin. Nilagay nya yung kamay nya sa likod ng inuupuan ko sa may side ko, para na syang nakaakbay sakin pero pinaglalaruan nya lang yung buhok ko.

"Kahit wag na. Baka pagod ka na dito, mag d-drive ka pa"

"Hindi naman ako napapagod pagdating sayo" sabi nya sakin. Hindi ko ako tumingin sa kanya, aaminin ko medyo kinilig ako sa kanya.

"Anong iniisip mo?" tanong nya, napansin nya ata na medyo napatulala ako.

"Ano...hindi lang kasi ako makapaniwala na may tayo. Renz three years kitang naging crush, three years akong umasa na sana maging tayo tapos eto, nakakausap na kita, nalalapitan kita parang dati lang hindi mo ata alam na nag eex exist ako" sagot ko sa kanya

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon