Kabanata 3

110 11 0
                                    


~~~~~

Uwian na namin, nagulat ako hindi magkasabay sila Angela At Renz sa pag-uwi. Maghihiwalay na ata sila.

"Val bakit hindi sila magkasabay ng future ex nya?" Tanong ko kay Val at nginuso sa kanya si Renz na naunang maglakad samin kasabay nila David.

"Tatanong ka pa dapat matuwa ka na lang" sabi ni Arian na lumalamon na naman.

"Nagtatampo ata si Angela, ewan...yun lang narinig kong tsismis hahaha" sagot ni Val sakin

"Grabe saan sya nagtatampo? sa hindi pagsabay ng lunch? o baka hindi nagsabi si Renz? tss parang yun lang, alam nyo kung ako kay Angela hindi ako magtatampo sa ganoong bagay"

"talaga lang ha?" pagsasalita ni Arian

"Nadia hindi ka si Angela at hindi hindi ka magiging si Angela-"

"talaga Aj! Hindi ako magiging sya, hindi hindi ako magiging ex ni Renz!" napalingon ako sa paligid, medyo napalakas boses ko buti na lang walang nakapansin.

"Pano kapag naging Ex ka ni Renz?" tanong ni Val

"Oy oy hindi pa nga nagiging sila ni Renz ex na agad tinatanong mo Val? Wag ganyan baka lalong umasa yang si Nadia hahah"

"Alam mo Aj panira ka! paka epal mo! wag kang kakain ng libre sa restaurant ko!" dinuro duro ko pa sya. Minsan kasi kapag alam nilang pupunta ako sa restaurant bigla na lang silang sumusulpot kung saan,kaya ayun nauuwi sa pambuburaot at libre.Kapag talaga yun nalugi sisingilin ko tong tatlo lalo na si Aj

"Wow Nad iyo yun?"

"Ako ang anak ng owner-"

"o hindi iyo yun! anak ka lang wala kang karapatan na hindi ako pakainin ng libre-"

"So ikaw may karapatan? Edi ikaw na bagong anak nila!"

"Napakaingay nyo oy!" sigaw ni Arian samin

"Gagalit mama natin hahah" pang-aasar ni Aj kaya parehas kaming natawa pati na din si Val.

"Nad kung may balak kang gawin masama kay Aj sama ako ha" sabi ni Arian sakin hahah.

"Oyy grabe ba kayo sakin, wag kayong kakain ng libre sa restaurant ko!" dahil sa sinabi ni Aj parehas parehas kaming nagulat

"May restaurant ka?" tanong ni Val

"Oo? Diba sabi ni Nadia ako na bagong anak ng mg magulang nya? edi ako na ang may-ari, may karapatan ako na hindi kayo pakainin ng libre-"

"Aj Anero!" sigaw ko sa pangalan nya. Nakakainis na sya

"hahaha bye! una ko" sabi nya at tumakbo na. Andyan na pala yung sundo nya.

"Nakakainis sya"

"hindi ka pa nasanay hahah"

Nagavibrate yung phone ko, nagtext si Mama.

"Una na ano, May bibilhin ako bookshop" paalam ni Valerie samin ni Arian

"Sama na ko, ikaw Nad? sama ka?" tanong naman ni Arian

"Pinapapunta ako ni Mama sa resto. Sige na Ingat!"

Nauna na silang umalis sakin, Naghanap pa kasi ako ng masasakyan.

Pagdating ko, dumeretso ako sa taas kung nasaan ang office nila mama.

"Ma...Asan si Papa?"

"Nagkaroon kasi ng problema sa delivery ng ibang ingredients, pinuntahan ng papa mo pero nag-aalala ako kaya susunod ako...pwede ba nak?-"

"Ma kayang kaya ko na po dito tsaka buti na lang po wala na kong gagawin, Sige na Ma ingat po"

Nagpaalam sakin si Mama ar umalis na rin sya. Gagawin ko lang naman dito magc-check ng mga ginagawa nila, kapag may problema bababain ko, yun lang diba madali lang? hahah.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon