Kabanata 69

53 2 0
                                    


~~~~~~

" Galit ka pa rin ba? Ang tagal na nun" sagot ni Angela. Nakita ko si Eric na pinapahinahon si Dara.
Si Zack at Alex napatingin kay Renz. Anong meron?

" Matagal na nga. Hanggang ngayon dala dala mo pa rin yang kalandian mo-"

"Dara" tawag sa kanya ni Eric.

"Anong meron?" tanong ko kay Renz. Hindi naman sa pagiging tsismosa pero gusto ko lang malaman kung anong meron Dara at Angela. Kibit balikat lang ang sinagot sakin ni Renz.

_

Andito kami sa baba ngayon, umalis muna kami sa taas. Kami lang mga babae. Gusto lang namin magsolo.

"Baka isipin nyo masungit ako wag nyo nang intindihin yung kanina" sabi samin ni Dara

"Naiintindihan ka namin lalo na nitong si Nadia hahaha" pagsasalita ni Aj

"Bakit? May ginawa rin ba sayo si Angela?"

"Madami. Sya ang puno't dulo ng lahat ng nangyari sakin sa school" sagot ko.

"Ex sya ni Renz diba? Hindi na ko magtataka kung bakit. Pwede ako mag kwento? Naiinis lang talaga ako"

"Oo okay lang"

"Yung kanina...Nung pinakilala sya ni Renz samin nila Girlie, sa kanilang magpipinsan. Okay sya, mabait-"

"mabait din sya...akala namin, pero nubg tumagal hindi pala" bigla sabi ni Arian

"Akala din namin. Napapansin namin ni Girlie na may iba sa kanya, parang ang plastic nya. Ayaw namin sabihin kila Eric kay Renz, wala kami sa lugar. Sinasama namin sya ni Girlie sa mga lakad namin, one time hindi sya sumama samin. Sabi nya may sakit sya, kaya hindi sya sumama, hindi na namin sinabi ni Girlie kung san kami pupunta. Pupunta kami kila Eric, andun sila lahat, sila magpipinsan. Chill relax lang daw. Sila ni Renz. Pumunta na kami kila Eric and guess what? Hindi lang sila Eric ang andun"

"Si Angela?" tanong ni Val. Habang tumatagal sa pag k-kwento si Dara mas nag iiba yung aura, yung kanina, yung galit na galit

"Yes. Nadatnan namin si...nadatnan namin si Angela, tinatry ni Angela na halikan si Eric" kwento ni Girlie.

"Seryoso?" tanong ko, tumango naman si Dara.

"Nakita nila kami, si Angela dinaanan lang kami na parang wala syang ginawa. Naiwan si Eric na hindi alam ang gagawin, dahil dun nag-away sila Dara at Eric pero okay na sila" dagdag ni Girlie. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nila, hindi ko alam na kayang gawin yun Angela...

"Sila ni Renz that time diba?" tanong ko

"Oo. Isa sa pinag awayan namin ni Eric ayaw nyang sabihin kay Renz. I don't know kung hanggang ngayon wala pa ring alam si Renz. Si relasyon namin ni Eric muntik nang masira pero yung babaeng gumawa ng walanghiyang bagay nagpapakasaya lang"

"Ginawa yun ni Angela? Hindi alam ni Renz? Bakit ngayon umaasta si Angela na hindi sya maka move on kay Renz e una pa lang pala may ginagawa na syang ganun? Oh my gosh! Na sstress ako sa babaeng yan!!" sabi ni Aj

"Si Renz na lang ata ang hindi nakakaalam sa ginawa ni Angela. Alam nila Zack, nilang magpipinsan maliban lang talaga kay Renz. Not sure, baka ngayon may alam na sya" paliwanag pa si Girlie

"Sa school noong sila Angela at Renz parang ang ayos nila, ang tino ni Angela. Hindi ko akalain may ginawa pala syang ganun" pagsasalita ni Kc.

"Nadia okay ka lang?" biglang tanong sakin ni Dara

"Okay lang hahahaha"

Hindi ko ma process sa utak ko yung pinag gagawa ni Angela. Baka hindi ko rin masikmura kung nalaman yun ni Renz agad at pinatagal pa nila yung relasyon nila.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon