SANA LAHAT

133 2 1
                                    


~~~~~~

Ngayong araw kami pupunta sa conference, sa school muna kami dederetso ni Arian. May service kami na maghahatid samin dun sa conference.

Pagdating ko sa school andito na rin si Arian, kaso wala pa raw yung service.

"Ang daya, hindi ba pwede sumama sa inyo? Wala na kong kasama dito"

"Anong tawag mo sakin Aj?" pagtatanong ni David. Kasama namin silang dalawa dito sa office habang inaantay yung service.

"Isa kang hangin...Nad sama na ko" pagpipilit pa ni Aj, kaso hindi na talaga pwede. Naka finalize na dun ang mga aattend hindi na pwedeng may dumadagdag pa. Sayang nga kasi gusto rin namin isama si Aj

"Pasalubungan ka na lang namin Aj hahahaha"

"Anong ipapasalubong nyo sakin ha Arian? Di bale sana kung sa ibang bansa kayo pupunta hahahha"

"sama ng loob. Baka madaming ipasalubong sayo si Nad hahahha, diba Nad?" pang-aasar sakin ni Arian.

"Oo gusto nyo buong school bigyan ko pa"

"Nad nagtext sakin si Val, na move raw mamayang hapon yung conference natin pero...pero papunta na raw yung sundo" sabi sakin ni Arian

"Mamaya pa palang hapon bakit may sundo na?" tanong ko sa kanya

"kanina reklamo kayo nang reklamo ngayon naman na susunduin na kayo nagrereklamo pa rin"

"David kasasabi lang na namove yung conference, kung susunduin kami ngayong umaga wala kaming gagawin dun" sabi ko sa kanya

"Mag gala. Mag bonding kayo hahahaha joke lang Nadia" sabi sakin ni Aj "mag bonding kayo ni Arian sama nyo si Val pwede ring si Mira" dagdag pa nya

"Tapos maiiwan yung dalawa?...ano sila sinuswerte?" sabi ko pero mahina lang, si Arian na kalapit ko lang ata ang nakarinig buti binaliwala na lang nya yung sinabi ko.

"Asan pala si Eman, Nadia?" tanong sakin ni David

"Hindi ata papasok ngayon, kagabi kasi nakita ko silang umalis"

"May laro kami ngayon kasama sila Rey, di sya nagsabi agad...Una na ko sa taas, ingat kayo Nad, Arian"
Sabi ni David at nagpaalam na pupunta na sa room

"sige"

Nagpasama muna ako kila Aj at Arian sa cr. Umihi lang ako at nag-ayos, malapit na kasi dito yung sundo.

"Arian bantayan mo yang si Nad hahaha baka kung ano na naman mangyari mahirap na-"

"Wag kang mag-alala Aj, akong bahala dito sa bata natin hahahaha" sabi ni Arian at inakbayan pa ko palabas ng cr.

"Oa nyo. Kala nyo naman mang gugulo ako" sabi ko sa kanila

"Nad may posibilidad na mangyari yun pero andito naman ako pipigilan natin yang sama ng loob mo hahahaha-"

"Arian hindi ako manggugulo. Wala na kong dahilan para patulan pa si Angela"

"Bukod sa inyo ni Angela, sa inyo ni Renz kami nag-aalala" sabi ni Aj sakin

"bakit naman? Anong meron samin?"

"Di namin alam, ano bang meron sa inyo? Ha Nadia? Hahahah"

"Ewan ko sa inyo. Hindi ko kayo maintindihan"

Habang naglalakad kami pabalik sa office nakasalubong namin sila Rey at Mark

"Ngayon ba conference nyo?" tanong samin ni Rey

"oo"

"Ahh ingat. Pasalubong namin ha" sabi pa ni Mark

"Etong mga to ano ba tingin nyo samin mag aabroad? Isang buwan dun? Mga baliw e" sabi sa kanila ni Arian pero tinawanan lang ng dalawa at umalis na rin.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon