~~~~~~Katatapos lang namin kumain ng agahan , medyo late na nga dahil sakin. Kasama namin si Renz na mag-agahan nag prisinta na din sya na sya na ang mag liligpit at maghuhugas, gusto ko sana syang tulungan pero hindi nya ko pinayagan. Kaya umakyat na ko, bago ako pumasok sa kwarto ko, binigay ko kay papa yung regalo ko sa kanya na binili ko kahapon.
Naligo na ko at nag-ayos. Wala akong ideya kung san kami pupunta ni Renz, si papa may alam e akong isasama nya walang kaalam alam.
"Love?...pwede pumasok?" narinig kong tanong ni Renz pagtapos nyang kumatok. Papaalam pa sya kala mo hindi pa nakakapasok dito e , mayamaya pa binuksan nya pa yung pinto pero hindi sya pumasok nakatingin lang sya sakin, nang tumango ako tsaka lang sya pumasok at deretsong naupo sa kama ko.
"Naka pambahay ka lang?" pansin nya sakin, nag b-blower lang ako ng buhok, patapos na din
"San ba tayo pupunta?- oy Renz san ka pupunta?umalis ka dyan-" tanong ko sa kanya, napatayo tuloy ako ng wala sa oras , anong gagawin nya sa cabinet ko!
"Pwede ako muna mamili ng susuotin mo ngayon, love?" tanong nya , pero hindi nya ko hinintay makasagot, hinawi hawi nya ang mga damit kong nakahanger at namimili na sya. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo, buti na lang hiniwalay ko na ng lagayan yung mga undies ko. Natapos na ko sa pagpapatuyo ng buhok, dahil hindi naman ako pala make up naglagay lang ako ng liptint, yum lang tapos n ako, hinihintay ko na lang si Renz na iabot sakin yung damit na napili nya.
"Love eto-"
"Seryoso ka Renz! Renz kung gusto mo ko mag dress may ibang dress pa dyan-"
"Bagay to sayo"
"Renz sure ka papayag kang isuot ko yan" tanong ko uli sa kanya, hawak hawak nya yung isa sa mg astrapless dress ko na matagal ko nang hindi sinusuot, hindi naman sy amaikli, hanggang ilalim ng tuhod ko, medyo fit sa may bandang bewang, kulay green na may design na bulaklak sa may bandang laylayan.
"Diba sabi ko sakin ka buong araw, walang ibang makakakita sayo . Love hindi ko to ipapasuot sayo kung sa madaming tao tayo pupunta" paliwanag sakin ni Renz, siguraduhin nya lang talaga. Inabot nya na sakin yung dress at wala akong nagawa kundi kuhain. Pinalabas ko na sy ang kwarto, hindi ko kayang magbihis sa cr baka mabasa lang yung dress, sabi ko sa kanya hintayin na lang nya ko sa baba.
"shit ang sexy ko!" sabi ko sa sarili ko nang makita ang kabuuan ko sa salamin. saktong sakto sakin yung dress, kaso medyo hindi ako sanay magsuot ng strapless dress, yung dibdib ko, ang gago talaga. Huling tingin sa salamin at bumaba na ko. Naabutan ko si Renz na nakatulala sakin pagbaba ko, kung hindi lang tumikhim si papa hindi sya babalik sa katauhan nya.
Nagpaalam na kami kay papa, may mga binilin pa si papa kay Renz pero hindi ko na narinig o sadyang ayaw lang iparinig sakin.
"A-ang ganda mo love" sabi sakin ni Renz na nakatayo sa harap ko
"Kaylan ka pa nautal Renz?" tanong ko pero nginitian nya lang ako, pinagbuksan nya din ako ng pinto ng sasakyan.
" Renz san ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanyay ng makapasok na sya ng sasakyan
"Sa rest house nila lolo at lola, pero si lolo na lang ang andoon" sagot sakin ni Renz , oo nga pala wala n ayung lola nya, mother side nya
"Lolo mo lang andun?As in sya lang mag-isa?"
"Yung taga bantay, silang dalawa lang...Malakas pa si lolo kayang kaya nya pa dun" tumango na lang ako. Mukang malayo yung pupuntahan namin, gusto ko sanang itanong kung bat kami dun pupunta , hindi naman sa ayaw ko , Inaantok pa talaga ako, mula matapos yung prom wala pa kong maayos na tulog , himdi ko alam kung magkakaroon pa ba e bukas may pasok na kami. Dahil inaantok nga ko, natulog na lang ako.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020