Kabanata 30

37 3 1
                                    


~~~~~~~~

"Renz!"

"Renz tumigil ka nga muna!"

Sinundan ko hangang dito sa corridor si Renz.

"Ano?" masungit na tanong nya sakin.

"Isang sagot lang kailangan ko oo o hindi... Gusto mo pa ba ako?"

"Nadia hindi ko naman tinigil, kahit sabihin mong hindi mo na ko gusto-kahit sabihin mong ayaw mo na talaga sakin, hindi ko ititigil wala akong balak itigil. Oo gusto kita" bawat salita na sinasabi nya sakit nararamdaman ko na nasasaktan sya. Nasasaktan ko sya?

"Nadia bakit ba kasi pinapatigil mo ko? Sino ka para patigilin yung nararamdaman ko sayo? Nadia pwede bang hayaan mo na lang ako na gustuhin ka?"  dagdag pa nya sa sinabi nya kanina

"Renz-" handa kong sagutin yung mga sinabi nya sakin pero hindi nya ko pinagsasalita.

"Ayaw mo kong paniwalaan na gusto kita kasi andyan pa si Angela? Oo andyan si Angela! Pero wala sya dito! Wala na sya dito!" galit na sabi nya at tinuro turo ang dibdib nya
"Yung halikan kanina? Oo nahalikan ko din sya-pero hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa siguro dahil sa galit, siguro hindi ko na alam yung nangyayari sakin? Tangina Nadia! Hindi ko alam kung bakit sayo lang ako nagkakaganto!"

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Naiiyak ako sa sitwasyon ni Renz. Naaawa na din ako sa sarili ko. Gulong gulo na ko.

" Nadia pwede ba kahit ngayon lang intindihin mo ko? P-pwede ba? Hayaan mo lang ako na gawin yung gusto ko, h-hayaan mo lang na gustuhin kita? Please?" lumapit sakin si Renz at tangina umiiyak na sya na lalong nag paiyak sakin.

"Renz-" napatigil ako dahil bigla nya na lang nya ko niyakap.

"Kahit sabihin mo na... na ayaw mo na sakin Nadia hindi ako maniniwala sayo. Alam ko na gusto mo pa din ako, please Nadia hayaan mo kong gustuhin ka" pagmamakaawa nya sa gitna ng pagkakayakap sakin.

"Renz masasaktan lang kita, ito pa nga lang nasasaktan na kita e. Renz gawin mo kung ano gusto mong gawin, gagawin ko ang gusto ko." dahil sa sinabi ko umalis si Renz mula sa pagkakayakap sakin.

"Hinding hindi ka makakamove on sakin" sabi ni Renz sakin sabay halik sa gilid ng labi ko.

"Renz hindi mo din madidiktahanan yung damdamin ko"

"Nadia bakit ang unfair mo?"

Pagkatapos ng mga sinabi nya sakin iniwan nya ko dito sa gilid at umalis na sya.

Tsaka lang natauhan ng magvibrate yung Phone ko. Sila Val pala hinahanap na ko. Bumaba na ko, sabi nila nasa may parking lot sila kasama si David. Hindi ako pupunta dun kase alam kong doon papunta si Renz, andon ang sasakyan nya. Kaya mas pinili ko na lang umupo sa gilid ng court at maghintay ng uwian.
Mas mabuti pala na may teacher kami sa hapon edi sana hindi nangyari yung lahat ng yun kanina.

Si teacher talaga dapat sisihin ko ngayon e.
Naiinis ako sa nangyari idagdag pa yung sinabi ni Renz, unfair ba talaga ako? Juskooo naman
Nakayuko ako ng mapansin ko may umupo sa tabi ko.

Pamilyar yung muka nya, nakita ko na to e. Tumingin sya sakin tsaka ako inismiran. Ayos rin to a,

"Problema mo?" tanong ko sa kanya

"Hina mo naman. Masyado kang nag papa apekto kay Angela"

Tinitigan ko talaga sya kung san ko sya nakilala hangang sa naalala ko na. Sya yung inutusan ni Dette.

"Flor?" tawag ko sa kanya, tinanguan nya lang ako.

"Si Dette napatahimik mo pero si Angela hindi" sabi pa nya

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon