Kabanata 43

34 2 1
                                    


~~~~~~~

Kakaalis lang nila Val. Si Renz, bumalik naman sya dito pagkatapos nyang pumunta kay Eman.

Dahil na C-curious ako sa ginawa ni Renz kila Eman eto ako ngayon, nakila Eman hahahahah.

"Mas gusto ko pa din luto mo" sabi ni Eman, nanonood lang kaming dalawa.
"Nadia may plano ako..." humarap sakin si Eman, ngiting ngiti.

"Kung ano man yan, tigilan mo ko. Pwede ka naman kasi sa inyo umuwi, excited ka tumira dito"

"Tahimik na, ganto plano... Sasabihin ko kay Renz na dun na talaga ako umuuwi, samin talaga hahahah kahit hindi, mas gusto ko na dito. Ayoko na sya ang magluluto sakin tuwing hapunan, lasang sama ng loob hahahaha"

"Gago ka talaga hahahaha, di pwede yung plano mo, umuwi ka na lang kasi muna sa inyo-"

"Bakit hindi?"

"May ginagawa kami, malamang dito sila pupunta, tingnan mo katatapos lang namin, edi gantong oras ka pa lang makakakain?"

"Oo nga noh? Edi pag hindi na lang sila pumunta, o kaya sabay sabay na lang tayo maghapunan"

"Alam nyo kayo, masyado na kayong sinuswerte! Malapit ko na kayong singilin sa lahat nang nillalamon nyo samin!" sabi ko sa kanya at tumayo na ko, inaantok na kasi ako

"Pakasama mo hahahah... Uuwi ka na ba?" tanong nya

"Oo, bye bye na"

"Ingat, tanga ka pa naman!" sigaw nya ng tuluyan na kong makalabas, kala mo naman ang layo ng uuwian ko.

_

Ngayong pangalawang araw, wala akong gagawin kundi maglinis ng buong bahay.
Sisimulan ko muna sa taas bago dito sa baba.

Habang naglilinis, napadaan ako sa kwarto ni papa. Mula nang lumipat kami dito, isang beses pa lang ako nakakapasok dito. Laging naka lock ang kwarto ni papa, kahit wala sya dito. Hindi ko alam kung bakit...

"Gagi ala una na? Seryoso?" gulat na gulat akong napatingin sa orasan, katatapos ko lang maglinis, ganun ba ko katagal maglinis? O madaming dumi sa paligid? Grabe naman.

Nagpahinga lang ako saglit bago ako nagluto ng kakainin ko.

"Suspended ka? Dito ka na lang kaya? Birthday ko na naman sa lunes, para may kasama na din ako" sabi ni Tasha sa kabilang linya, magka vc kami ngayon. Bored na bored na kasi ako, ayoko namang lumabas ng bahay.

"Sa sabado try ko makapunta, hindi ako pwede bukas may gagawin pa kami nila Val"

"Sa sabado? Sama mo na sila Val, ay oo nga pala may pasok pa ng lunes"

"Wag kang mag-alala, sakto yung birthday mo half day lang sila nun...Tasha crush mo pa din ba si David?" bigla kong tanong,

"Grabe naman hahahaha bat bigla mong natanong? May nagseselos na ba sa inyong dalawa ni Val? Hahahahah"

"oy wala hahahaha, pero ano nga hahahah?"

"Ano ba? Hahahaha, ano hindi ko sya gusto, crush lang...crush hanggang dun lang yun" paliwanag ni Tasha,

"Naniniwala ka sa sinabi nya na crush ka din nya?"

"Hindi, ang tanga ko naman kung maniniwala ako... Nadia bakit mo ba tinanong? Wag mong sabihing may something sa inyo-"

"Oy Tasha wala!-"

"jk lang hahahha alam ko naman kay Renz ka lang hahahaha!"

"Tasha manahimik ka na nga!"

"hahahaha balik tayo kay David. Alam kong si Val ang gusto nya" sabi ni Tasha na kinagulat ko
"gulat na gulat Nadia? Hahahhaha sinabi nya sakin kagabi, tumawag sya sakin"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon