Kabanata 41

34 3 0
                                    

~~~~~~

"Nadia sorry. Sorry nagsinungaling ako. Hindi ko intention na paglaruan ka. Sorry" paulit ulit na humihingi ng sorry sakin si Renz. Paulit ulit pero wala akong makuhang dahilan mula sa kanya kung bakit nya ginawa yun. Ayaw nyang sabihin.

"Nadia hindi ko kayang nakikitang umiiyak dahil sakin, a-ayokong saktan ka -"

"Renz ginawa mo na, sinaktan mo na ko"

"Nadia gusto kita, lahat ng sinabi kong hindi kita gusto, hindi yun totoo. Ang totoo eto..."

Unti unti nyang nilapit ang muka nya sakin at hinawakan ang muka ko hangang sa naramdaman ko na ang mga labi nya sa labi ko.
Nararamdamn ko ang pag galaw ng labi nya pero hindi ko ito sinusuklian ng halik.

Naguguluhan na ko. Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Hindi ko alam kung sino susundin ko. Hindi ko na alam.

"Renz!"

"Gusto kita Nadia, gustong gusto" sabi nya sakin

"Renz hayaan mo muna ako...hayaan mo muna ako mag-isip pwede? Salamat" sabi ko at hindi ko na sya inantay pang sumagot, umalis na ko. Konting hakbang ko lang nasa may hagdanan na ko papunta sa room.

Pag akyat ko at pagliko nagulat ako kila Val, lahat sila... Mukang nag-aabang at mukang narinig lahat at nalaman ang nangyari sa pag-uusap namin ni Renz.

"Ano Nadia ganun ganun na lang?"

"Val" lumapit ako kay Val at niyakap sya, wala akong nasabi sa kanya. Pagod na pagod ako, kelangan ko lang ng yakap.

Oo hindi ako kagandahang babae. Pero may karapatan akong umiyak.
Oo hindi naging kami, pero may karapatan akong masaktan. Pero hindi yung sakit na ganto, hindi yung sakit na mula sa dahilang pinaglaruan ako. Hindi ganto.

Oo eto lang ako, pero bakit puno ng kadramahan yung buhay ko?

"Nadia pwede mo din kaming yakapin" narinig kong sabi ni David.

"Oo nga naman Nad, mas madami mas mapapagaan yubg feelings mo"

"Grouupp hug!" sigaw ni Arian, napangiti na lang ako sa ginawa nila.

Maswerte pa din ako na mayroon akong kaibigan na ganto.

"thank you"

_

Pumasok na kami sa kanya kanya naming room. Medyo kinakabahan ako dahil mag kaklase nga pala si Val at Renz.

Pinilit kong alisin sa muna sa utak ko yung lahat ng sinabi ni Renz, ayokong bumagsak dahil sa kadramahan ko.

Natapos yung dalawang subject, at may natandaan naman ako sa mga tinuro, inaantay na lang namin yung isang subject. Pero halos fifteen minutes na wala pa din si ma'am

"Nad Cr lang kami ha" paalam sakin ni Arian kasama nya si Cai, kaklase namin.

"Oo, bat ka nagsasabi sakin?" tanong ko.

"oo nga noh? Hahahaha basta"

"Oy David ikaw ha, tsansing ka kay Val kanina hahahah"

"Aj tigil ka nga mamaya may makarinig sayo" sabi ni David,

"David may hiya ka pa lang nararamdaman" sabi ko sa kanya

"oo naman, tao pa din naman"

"Ay di nga? Kaylan pa-"

"Ikaw Aj kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka"

"Oy David, nakausap mo na ba si Tasha?" tanong ko

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon