~~~~~~
Araw ng sabado, kasama ko ngayon si Eman andito kami sa bahay.Maghapon na sya andito. Pumayag na ko na dito sya magtambay dahil hindi na sya maghahapunan samin. Nakalipat na talaga sila, andyan na yung mama at papa nya.
"Ngayon ba uuwi sila Renz?" tanong ko
"Oo ata o bukas, miss mo na hahaha?" tanong nya sakin, nang aasar pa. Nitong nakalipas na araw walang araw na hindi ako naaasar kay Eman.
Hindi na din ako tinawagan o tinext ni Renz nung araw na huling text ko sa kanya. Mas mabuti yun para makapag focus sya.
" Panalo ba sila? " tanong pa ni Eman
"Finals, second sila"
"Miss mo na ba? Hahahahah" kala ko hindi na mang-aasar.
"Umuwi ka na sa inyo, may pupuntahan lang ako" sabi ko sa kanya, pinatay ko na yung t.v
"Saan? Sama ako!"
"Heh! Manahimik ka na sa inyo-"
"Nadia mag gagabi na delikado na o-"
"Eman tatay ba kita? Tsaka matagal na kong umaalis ng gabi" paliwanag ko, iniwan ko sya sa baba pumunta ako sa kwarto para kumuha ng jacket.
Pagbaba ko wala na sya, kaso paglabas ko nasa tapat sya ng bahay namin nakasakay na sa motor nya."Tara na" sabi nya pa sakin
"Hindi ka sasama sakin-"
"Tara na, baka gusto mong sabihin ko sa papa mo totoong nangyayari sayo sa schoo-"
"Eto na! Alam mo Eman sobra ka na sa kaepalan!" sigaw ko sa kanya.
Meron pang naiwang bakas ng sugat sa labi ko. Yung tungkol sa labi ko nakita ni papa, kailangan ko pang mag - isip ng dahilan. Hindi ko alam kung naniwala talaga sya o hindi. Habang nagsasabi ako kay papa, kalapit ko si Eman na tatawa tawa,nakakainis lang." Lalo na yang pasa mo sa tyan-aray Nadia"
"Tama na Eman, paandarin mo na!"
"Di ko alam kung san tayo pupunta"
"Sasama sama ka hindi mo naman alam kung san ako pupunta, sa park" sabi ko sa kanya.
Gusto ko sanang mapag - isa kaso may asungot. Nitong nagdaang araw lahat ng kilos ko pinapakeelaman nya. As in lahat. Juusssko hindi ko nga alam kung anong nangayayari sa kanya. Hindi naman sya ganto nung unang araw na nasa bahay sya.
Pagdating namin sa Park medyo maraming tao, kahit pala pumunta ako dito hindi ako mapapag isa, kala ko kasi konti lang tao. Nakalimutan ko sabado pala ngayon.
"Eman para may magawa ka, bili mo kong ice cream dyan o sa seven eleven, thank you" sabi ko sa kanya
"Baka takasan mo ko-"
"Gago hindi, dalian mo na. Dyan lang ako o uupo, arte mo" sabi ko sa kanya. Kala ko mag d-drama pa sya e.
Naghanap lang ako ng upuan, may nakita kong nagtitinda ng pop egg, natakam ako kaya bumili na din ako."Dito ka talaga pupunta?" tanong ni Eman
"Oo, bakit anong akala mo?"
"Wala, hindi ko alam na mahilig kang tumambay dito nang gantong oras" sabi nya pa
"Eto nga yung sinusumpa kong lugar, kasi dito ko nakita si mama tsaka yung lalaki- pero gusto ko talaga dito, ayoko magpa apekto sa tanginang ala ala na yun" paliwanag ko sa kanya.
"Baka naman may maganda kang memory dito kaya narerelax ka kapag andito ka"
Dahil sa sinabi ni Eman naalala ko yung time na may sakit si Renz, oo andito din kami nun. Pero hindi naman masaya para sakin, sige, oo medyo masaya kasi yun yung time na sinasabi ko na mag m-move one na ko sa kanya kahit ang totoo, gustong gusto ko pa din sya. Masaya kasi kahit papano nakasama ko sya. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit madalas na kong andito sa park.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020