Kabanata 44

39 4 2
                                    


~~~~~~~

"Nadia hindi na kita ihahatid ha hahahaha"

"hindi ko naman kailangan nang tagahatid, una na ko salamat sa inyo, bye, ingat kayo"

"byeee/salamat uli Nadia!"

Nauna na ko maglakad, kaso pano ako makakalakad ng maayos kung nasa likod ko si Renz.

"Wala kang tsinelas?"

"May nakikita ka ba? Wala diba?" sagot ko sa kanya

"Bakit ang sungit mo?"

Dahil sa inis ko, hinarap ko naman sya

"Renz pwede ba tigilan mo kakaasta na parang wala kang ginawang kasalanan sakin"

"Sorry" sabi nya, tinalikuran ko na sya at nagsimula na maglakad, pauwi.

Naglakad lang kami ng tahimik, hindi sya sumasabay sakin, nasa likod ko lang sya.

Hangang sa makarating kami sa bahay, hindi ako dumeretso sa loob, umupo ako dito sa may harap ng pinto namin, umupo din si Renz sa tabi ko.

"Nadia alam ko sobra sobra na yung sakit na ginawa ko sayo, hindi ko intention na paglaruan ka, hindi ko intention na saktan ka at, at paiyakin ka"

"Renz baka naman may gagawin ka pang ikakagakit ko? Gawin mo na para isahang galit na lang din yung mararamdaman ko sayo, meron pa ba?"

"Nadia makinig ka, eto yung unang promise na sasabihin ko sayo... Yung mga pagkakamali ko na ginawa, hinding hindi na mangyayari yun-hinding hindi na kita sasaktan at hindi na kita hahayaang masaktan" paliwanag ni Renz, ramdam ko yung titig nya sakin pero hindi ko kayang tumingin sa kanya.

"Nadia gusto ko...alam kong mahirap kalimutan yung mga sakit na galing sakin, pero gusto ko na kalimutan mo yun-"

"Renz tanga ka ba? Pano ko makakalimutan lahat yun? -"

"Tutulungan kita, ako yung nanakit, ako yung nagparamdam sayo ng sakit, gusto ko ako din yung gagawa ng paraan para makalimutan mo. Gusto ko kapag tumingin ka sakin wala nang sakit, gusto ko kapag tumitingin ka sakin masaya ka na-"

"Renz bakit mo sinasabi yan? Alam mo Renz hanggang ngayon hindi kita maintindihan" tanong ko, tsaka lang ako nagkalas ng loob na tumingin sa kanya,

"Mahal kita Nadia" deretso nyang sabi, napailing na lang ako

"Renz ilang ulit mo na yang sinabi sakin, sa tuwing sinasabi mo yan alam mo yung sunod na nangyayari? Ako yung nasasaktan, umaasa ako na totoo, pero anong nangyayari? Kung hindi totoo, may biglang dumadating na naman. Renz ang hirap paniwalaan, hindi ko alam kung ano talagang totoo"

"Isa lang, eto lang yung gusto kong paniwalaan mo habang buhay. Gusto kita, mahal kita Nadia."

"Renz-"

"Kung natatakot kang paniwalaan ako, papatunayan ko. Hayaan mo lang ako, Nadia please wag mo na kong iwasan" seryosong sabi nya, hindi ko alam kung papaniwalaan ko sya.

"Renz pano kung sabihin kong nawala na yung pagkagusto sayo?"

"Ibabalik ko-"

"pano kung ayaw ko nang ibalik, hindi na mababalik-"

"Ipipilit. Ipipilit ko hangang sa bumalik, hindi ako papayag na hindi bumalik" paliwanag nya sakin
"Bakit nawala na ba?"

"Yung totoo? Hindi. Hindi naman nawawala kahit gustong gusto ko nang mawala" sagot ko sa kanya, tiningnan ko sya nakita ko yung mga mata nyang nasasaktan. Hindi nya naman ako masisisi kung gusto kong mawala.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon