Kabanata 64

30 2 0
                                    


~~~~~~

Pagpasok namin sa room, kami na lang ni Renz ang inaantay.

"Upo na kayong dalawa, may mga announcement lang ako na sasabihin tungkol sa pageant"

Iniiwasan ko ng tingin si Angela, hanggat maaari ayokong ma stress dahil sa kanya. Ayoko na syang pag aksayahan ng oras.

"This coming friday ang coronation and yung iba pang part ng pageant yung q and a... 2 pm ang start. Kailangan before 2 pm andun na kayo. Sa Wednesday na schedule kayo...practice. Yung entrance lang naman and yung part na ipakikilala kayo"

"Ma'am kami lang po bang apat ang judges-"

"Sinabi ko last time meron pang iba..." di kasi nakikinig Angela
"May dalawang teacher kayong kasama at guest...familiar sa inyo ang guest"

"Pwede na po ba malaman kung sino?" tanong ko naman. Baka mamaya social ang school namin at artista ang guest hahahha

"Huwag nyong sabihin sa ibang teacher na sinabi ko na sa inyo hahahha... Si Dashiel Garcia. (may nilagay ba ko na ibang surname ni Dashiel? Di ko sure kung Garcia huhuhu)" Natandaan nyo yung sa San Phablasa..."

"exciting" sabi ni Angela. Katabi nya
si Renz, ewan lang ha mukang sinadya talaga nila na hiwalay sila ni Ten e pwede naman na silang magkatabi sa kabilang side.

"May sinasabi ka Angela? Kilala mo ba si Dashiel, ang alam ko wala ka na dito noong pumunta kami dun" sabi ni ma'am

"Kilala ko po. Dashiel. Manliligaw po  ni Nadia"

Tangina. Sarap supalpalin nguso nito e.

"Oh? Totoo ba Nadia?"

"Hindi po" sagot ko agad. Hindi ako tumingin sa dalawang katapat ko.

"Wag ka papaligaw, sa nakikita ko mukang may chance pa kayo nitong si Renz hhahaha" sabi ni ma'am. Hindi ko alam kung anong ir-react ko. Bakit ko pa kasi tinanong kung sinong guest, sakin napupunta yung topic.

"O sya bago ko kayo pabalikin, Renz samahan mo si Nadia sa library may box dun na maliit andun yung mga invitation, pakikuha salamat"

"ma'am-"

"Yes Angela? Ahh dito muna kayo ni Ten, hintayin nyo yung kukunin nila Nadia. Sige na kuhain nyo na" sabi samin ni Ma'am.

Nauna na kong tumayo at lumabas. Hindi ko alam kung anong nakain ni ma'am. Hindi ako natutuwa. Hindi ko sinasabing sila Angela at Renz ang kumuha, pwede namang isa na lang bakit kailangan dalawa pa kami ni Renz.

"Nadia"

"Bakit?"  hindi ko alam kasabay ko na pala sya maglakad. Kahit anong pagmamadali ko makakahabol talaga sya. Malaki sya humakbang.

"Wala" sagot nya. Halatang meron syang sasabihin. Asa syang kukulitin ko pa sya. Binilisan ko na talaga yung paglalakad ko.

Malapit na kami sa library napansin ko wala na akong kasabay sa paglalakad, tiningnan ko kung nasan sya. Medyo malayo na ko sa kanya, nasa likod ko sya ang bagal maglakad parang wala sa sarili. Yung aura ganun na naman gaya kanina. Salubong yung kilay, seryosong seryoso kala mo buong problema ng bansa nasa kanya.

"Renz!" tawag ko sa kanya. Deretso lang sya sa paglalakad. Ano bang iniisip nito.
Wala syang pake sa paligid nya. Dere-deretso lang sya, hanggang sa nalagpasan nya na ko.

"Renz!" tawag ko, nilakasan ko na kumpara sa unang sigaw ko kanina.
Sinundan ko na sya at nilapitan, nagtaka pa sya.

"Inantay kita kasi ang bagal mo maglakad tas bigla mo kong lalagpasan? Renz okay pa ba?" inis na tanong ko sa kanya.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon