Kabanata 66

32 2 1
                                    


~~~~~

"Magkasama kayo umalis bakit ikaw na lang ang bumalik dito?" tanong agad sakin ni Arian

"Ewan ko"

Iniwan ko na sila dun alangan naman pakinggan ko pa pag-uusapan nila. Mga kasinungalingan.

"init ng ulo natin a hahaha, anong meron?" pang - aasar na tanong ni Eman. Andito pala sya

"mainit kasi" sagot ko. Kinuha ko yung sandwich ni Eman, muka naman wala syang balak kumain. Yung kila Val ubos na.

"Val pa swimming ka naman"

"Oo nga swimming tayo!!!"

"Pagtapos ng graduation. Beach naman tayo"

Sabi nila, sumang-ayon na rin ako. Deserve namin ng rest and chill pagktapos nitong nakaka drain na school year.

"Kila Nad, dun kila Tasha-"

"Wag dun. Sa iba na lang" sabi ko. Hindi ko pinatapos pa si Rey. Ayoko dun. Nakakasawa.

"Okaaay hahahah. Maghanap na lang tayo ng maganda tsaka yung mura lang" suggest ni Val

"papayagan ba kayo sa malayo?"

"bakit Aj dadalhin mo ba kami sa ibang bansa? Hahahah"

"Asa ka David. May alam ako kaso sobrang layo dito satin. Hindi pa naman sure pero hanap pa tayo" paliwanag ni Aj

"Yung libre sana hahahha. Nadia libre mo neh!"

"Mark tigilan mo ko. Di na uso libre ngayon"

"jk laang. Bakit ang init ng ulo mo" tanong sakin ni Mark

"Oo nga Nad, kanina ka pa. Meron ka ba ngayon?" umiling lang ako sa tanong ni Arian

"Kapag ka ganyan yan, si Renz lang naman ang dahilan. Tama ako diba? Hahahah"

Napataray na lang ako sa sinabi ni David.

"Sarap itapon ni Angela pabalik sa canada. Masyado na syang hibang"

"Hindi naman pala si Renz ang dahilan, si Angela naman pala. Magkasama ba sila ngayon?"

"Oo" sagot ko kay Mark

"Andito si Angela?"

"Aj malamang andito. Magkasama nga diba hahaha" sabi ni Val kay Aj

"Nagseselos ka?"

"Rey hindi pa ba halata?-Hindi!" gago nakalimutan ko sila Val lang pala nakakaalam ng totoo. Yung totoo yung inamin ko. Hindi alam nila Rey. Si David hindi ko sure kung may alam. Aarghh e ano naman kung hindi nila alam. Sa una pa lang hindi naman na sila naniniwala sa mga pinagsasabi-na kaoag sinasabi ko na hindi ko na gusto si Renz.

"Kayo ba ulit?"

"Pre mali tanong mo hahahah. Ganto dapat...Naghiwalay ba talaga kayo? Hindi noh?" pagtatama ni Mark kay Rey mga gago talaga

"Si Nadia tinatanong pero yung tatlo natahimik din. May mga alam yan na hindi natin alam" pansin ni Eman kila Val.

"girls talk Eman. Wag na kayong tsismoso"

"Si Renz, Nadia" biglang sabi ni Arian.

Maya maya pa andito na si Renz sa pwesto namin. Umupo sya sa tapat ko, katabi nya si Aj.

"Naiwan mo raw sabi ni Rico" sabi ni Renz sabay lapag ng phone ko? Sa lamesa. Baka dumulas sa bulsa ko.

"kruuu kruuu hahahaha" pag-iingay ni Eman. Pang-asar talaga tong mga to.

Juusskoo naboboring ako. Wala kaming ginagawa. Gusto ko na lang umuwi-

"Renz"

Tangina talaga oh. Pati ba naman dito???

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon