Kabanata 32

42 6 0
                                    


~~~~~~

Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa ngayon, naglalakad ako papunta sa school. Maaga pa naman kaya hindi ako ma l-late sa ginagawa ko. Pinagalitan pa ko ni mama dahil bakit daw ako maglalakad e may sasakyan naman. Sagot ko, hindi ko din alam.

Yung nangyari kagabi, parang hindi nangyari sa bahay kaninang umaga. Nung gabi habang nagsasagutan kami ni Renz nasa sala lang pala sila Ali at Jessa, pati na din si Cess na di ko aakalain na sasabihin nya yun sakin.
Nahihiya ako sa kanila dahil sila pa yung naglinis ng kalat.
Pagkatapos nun hindi ko pa sila nakakausap.

Nakarating na din ako sa school, nandito na din sila Val talagang inagahan nila. Pati ang mga bus andito na

"Tara na, sakay na tayo andyan na si Nadia" sabi ni Aj

"Teka lang-oy Nad umiyak ka na naman ba?" tanong ni Val tsaka ako nilapitan at tinitigan ng mabuti. Iniwas ko na agasmd yung muka ko.

"Hindi, napuyat lang. Tara na" nauna na ko sa bus.

Sa loob ng bus andito na yung iba naming kaklase, alam naman namin na hindi nila isusumbong si Val, ganun din naman ginawa nila. Yung iba nga wala dito at yung hindi namin kaklase ay nandito din.

Kalapit ko si Arian, si Val at Aj ang magkatabi. Nasa bandang dulo kami.

"Arian pagising na lang ako pag aalis na"

"Tutulog ka na agad?"

"Puyat nga ako hehehe"

"Puyat o pagod yang mata mo kakaiyak. Nad alam mo pinagkaiba ng puyat sa umiyak... Anong nangyari?"
Ayoko sabihin sa kahit kanino yung nangyari mas okay na kaming dalawa lang ni Renz at nila Ali ang nakakaalam.

"Oy Nad sagutin mo ko, anong nangyari? Kasalanan ba ni Renz-"

"Hindi nya kasalan-basta gisingin mo na lang ako, salamaaaat" sabi ko at hindi na sya pinansin, napalingon pa sakin si Val na nasa unahan namin, nginitian ko na lang sya. Nagsuit lang ako ng earphone at tumulala sa labas ng bintana hangang sa makatulog ako.

-

Nagising ako na umaandar na ang bus. Tiningnan ko din ang oras. Dumating ako sa school mga 5:30 ngayon ay mag mag 7:40 na. Tatanungin ko sana si Arian kung bakit di nya ko ginising kaso tulog din sya. Halos lahat ata dito sa bus tulog, yung iba busy sa mga phone nila.
Wala akong magawa kundi magpaka busy din sa phone.

Pagbukas ko may message galing kay Arian at David.

°Hindi na kita ginising, pagkatulog mo kasi aalis na daw, mukang pagod ka kasi. ☺️

Sunod na binasa ko ay yung kay David na nagagalit samin. Trinaydor daw namin sya.

Thirty minutes nakalipas nagising na din si Arian.

"Nagugutom ako Nad" sabi nya sakin.

"Kumain ka dyan"

"Sinong ka chat mo?" tanong nya sabay kuhay ng pagkain sa kanyang bag

"Si David lang... Nagagalit satin hahahah"

"yaan mo yan-nakita ko sila kanina late sila dumating ni Renz"

Kumain na lang kami ni Arian sa byahe nagutom na din kasi ako, nagising naman yung dalawa dahil ang ingay daw namin ni Arian hahaha.

Saktong 9 nakarating na kami dito sa San phablasa. Pagkababa namin manghang mangha kami sa nakita namin. Hindi ko alam gabto kalaki at kalawak dito sa tabi ng Austleya.

"Grabe ganto pala sa zusgrim...akala ko simpleng beach house lang, gagi sobrang laki ano pa kaya pag nakita na natin ng buo" sabi ni Val

"Oy may kasama tayong taga ibang school" narinig ko na sabi ni Mira sa kabilang pila.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon