Kabanata 18

66 3 1
                                    


~~~~~~

"Nadia wala bang sinasabi sayo si Renz?"

"Na ano?"

"Kung bakit hindi sya pumapasok?"

"Wala nga, kahapon pa kayo a" sagot ko kay Mark. Hindi lang pala kahapon...dalawang araw na nila akong tinatanong tungkol kay Renz. Dalawang araw na kasing hindi pumapasok si Renz.

"Magagalit si coach sa kanya" sabi naman ni David.

"Hinahanap din sya ng mga teacher" sabi naman ni Val

"Hindi ko talaga alam kung bakit hindi sya pumapasok, kaya wag nyo na kong tanungin uli... Bakit hindi sya ang tanungin nyo?"

"Gagong yun, hindi nga kami nirereplyan." sagot sakin ni David.

"Next week na sport fest natin diba? Tapos next month may tour tayo?" biglang tanong ni Arian

"Oo, bakit?"

"Wala Val, tinatanong ko lang"

"Uso pa ba yung tour? Mag tour na lang tayo ng atin" sabi ko sa kanila, kami kami lang ang magkakasama dito sa rooftop wala yung ibang boys.

"basta ba libre mo hahaha"

"Basta ba hindi ka kasama manglilibre ako" pabarang sagot ko kay David.

Ang boring ng araw na to, wala daw kaming klase, friday ngayon maghapon lang kami mag p-practice then last practice bukas, sabado.

"May sasabihin pala ako hahahha... Makinig kayo" sabi ni David

"Pag yan walang kwenta huhulog kita sa baba"

"Tutulong ako Arian hahahah" sabi naman ni Mark

"Same" sabi namin ni Val at Aj

"Meron tong kwenta hahaha"

"Parang wala naman"

"Ikaw Nadia kanina mo pa ko binabara, baka pag narinig mo to..."

"David dali na daming sabi" reklamo ni Val. Bakit parang kinakabahan ako bigla.

"Oy Nad, wala pang sinasabi si David bakit parang kabado ka dyan? Hahahah" pang-aasar ni Aj

"Hindi a..." sagot ko pero tinawanan lang nila ako.

"Nung isang araw ko pa to gusto sabihin sa inyo hahaha, pati sa harap ni Renz kaso hindi sya pumapasok. Na c-curious na din ako kaya sabihin ko na ngayon -"

"curious? Sabihin mo tsismosa ka lang hahahah" sabi ni Aj kay David.

"Diba ako sumundo kila Nadia at Renz-" bakit kinakabahan ako, potek anong sasabihin nito.

Oo alam nila na magkasama kami hanggang gabi ni Renz pero hindi nila alam yung dahilan, alam nila may problema pero hindi na sila nagtanong,syempre ano pa nga bang aasahan ko edi inasar nila ako, lalo na si Emman buong araw nya kong inasar dahil dun.

"Narinig ko yung pinag-usapan nyo ni Renz, binilisan ko talaga mag drive syempre nag aalala ako sa inyo, kaya naabutan ko yung pag-uusap nyo sa park-aray! "

" David napaka epal mo! Tsismoso ka talaga" binato ko kay David yung bag ko.

Sa park? Ano bang pinag-usapan namin yung mag m-move on lang...

"Nadia manahimik ka dyan, David tuloy mo na..." utos ni Val, sinamaan ko lahat sila ng tingin, mga epal walang pake sakin lahat sila nakatuon ang attention kay David. Tsismosa talaga.

Sinabi ni David yung sa part na tapos na kaming picturan ng dalawang babae, sinabi nya din yung about sa picture na nasa phone ko...

"May pa rooftop naman pala hahahah" - Aj

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon