Kabanata 17

43 6 0
                                    


~~~~~~

Hindi ko alam kung sino yung nag text sakin kaya binaliwala ko na lang.

Nandito ako ngayon sa second floor kung saan ang office ni mama. Si papa ang naabutan ko dito. Si mama umalis daw muna.

"Pa satin pa din ba tutuloy sina Tita Alyssa?"

"Hanggang ngayon na lang ata nak, may apartment na kasi silang nabili" sagot sakin ni papa

"ahh. Pero bakit hindi nila kami si Cess satin?"

"Papa nya ang kasama nya sa apartment...miss mo na din si cess nak?"

"nakuuu pa, hindi. Malabong managyari...Nag transfer sa school namin si Cess"

"Baka dun kayo mag-away-"

"Ay pa muntik na kanina hahahaha"
Ayokong sabihin kay papa kung bakit.

"Maiba tayo nak, hindi ba kayo nagkakagustuhan ni Ali?" eh? Dahil sa tanong ni papa muntik na kong masamid sa sarili kong laway.

"Pa? Hindi. Kaibigan lang kami nung epal na yun. Ay tsaka pa, alam mo ba may nililigawan pala yun matanda sa kanya ng 1 year... Yung nurse namin sa school"

"Nakakalungkot bagay pa naman kayo hahahah"

"Pa hindi!"

"Niloloko ka lang nak, alam ko namang si -"

"Pa wag mo na ituloy...Matulog po muna ako saglit"

"Bakit hindi sa bahay nak?" tanong ni papa

"Boring dun."

-

Nakatulog ako saglit kaso nagising ako dahil sa katok. Hindi naman kakatok si mama ng ganyan. Kaya biglang napatayo si papa at ako napabangon at kinusot kusot ang mata.

"Sir may gulo po na nangyayari sa baba!" sabi ng isang crew namin.

"Nakaka distract po sila ng ibang customer" dagdag pa ni Meann. Ang crew.

Walang pagaatubili, lumabas si papa ng pinto at bumaba. Sinukbit ko lang yung bag ko at sumunod din ako para tingnan kung anong gulo.

Pagbaba namin nakita ang ibang customer nakatingin sa iisang direction.

Sinenyasan ako ni papa na magtawag ng iba pang stuff namin para maasikaso ng maayos ang ibang customer.

Pagkatapos kong gawin yung utos ni papa, sinilip ko na kung anong gulo yun.

Unang nakita ko basag na pinggan at baso na nasa sahig, nililinis na ng stuff namin.

Yung sunod kong nakita, hindi ko inaasahan.

Papa ni Renz, si Nurse Jessa na may kasamang babae, baka yung mama ni Nurse Jessa... At si Renz na nakaupo lang at nakayuko. Kita kong basa ang uniform nya.
Uniform? Kala ko umuwi na sya. Bakit sya andito?
Hindi pa sya okay a, anong nagyari sa kanya?

Kinausap ni Papa ang papa ni Renz at ang kasama nilang babae. Si Nurse Jessa nagulat ng makita ako.

Tumayo si Nurse Jessa, nanatiling nakayuko naman si Renz. Papunta sakin? Si Nurse Jessa?

"Nadia" sabi nya sakin at nilayo ako sa madaming tao.

"Nurse Jessa"

"Ate Jessa na lang...Nadia sorry sa ginawang gulo ng mga magulang ko." paliwanag nya sakin. Hinawakan nya pa ang dalawa kong kamay. Magulang nya...

"Nadia...naaawa ako kay Renz, May sakit sya, pero pinilit sya ni papa na sumama samin, hindi din sinabi ni Renz na may sakit sya"

"Bakit hindi po ikaw ang nagsabi?"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon