Kabanata 74

26 2 0
                                    


~~~~~

Hindi na ko makatulog dahil sa naging pag-uusap ni Val kaya naisipan ko na pumunta na lang sa canteen tutal wala naman si Renz dun, si Renz lang talaga tsaka si Angela ang ayaw ko muna sanang makita pa...

Kaso wala, tuloy tuloy na talaga kamalasan ko. Pagpasok ko hindi ko nakita si Renz na kasama nila hanggang sa nakalapit na ko tsaka ko lanh nakita na andito sya. Nasa gilid kasi.

"sorry nauna ako" biglang sabi ni Angela sakin na muntik na kong banggain. Nag-iisa na lang yung bakanteng upuan, pinag gigitnaan ni Eman at Renz.

"Wala ka ng upuan, di ka na belong dito-"

"Mas lalong hindi ka belong dito. Umalis ka dyan baka gusto mong kaladkarin pa kita" biglang sabi ni Aj kay Angela

"Nadia san ka pupunta?" tanong sakin ni David

"Sa ibang table, ayokong ipagsisikan sarili ko" sagot ko sa kanya.

"Sama ako-" sabi ni David at tumayo na dala yung pagkain nya, ganun din ginawa ni Aj at Arian.
Si Arian tumingin pa sakin at kay Val...

"Sama ka na rin Val" sabi ni Arian, tumango na lang ako at naghanap na ng pwesto yung malayo sa kanila. Bumili lang ako ng pagkain ko at bumalil na rin sa nahanap naming pwesto

"Kanina pa ba dun si Angela?" tanong ko sa kanila

"Hindi a, mag-isa lang si Renz na dumating kanina. Mas nauna ka pa kay Angela" sagot sakin ni Aj.

Hindi ako makakain ng maayos dahil kay Val kanina ko pa nararamdaman yung tingin nya sakin.

"Val may sasabihin ka pa ba?" tanong ko sa kanya

"Okay lang talaga sayo na andito ako?"

"okay lang...pero hindi ibig sabihin nun wala na kong galit sayo. Mas okay rin na malayo ka sa kanila, ayokong mas lalong mawalan ng kaibigan" paliwanag ko sa kanya, pahina nang pahina yung boses ko habang sinasabi ko yun.
Napatingin ako kila Aj at Arian na nakangiti at tatawa tawa, mga epal talaga.

Ayokong ipagpalit yung pagkakaibigan namin dahil lang kay Angela, alam kong nagsinungaling sakin si Val, nasaktan ako sa ginawa nya pero mas matimbang talaga yung pagkakaibigan namin.

"David bakit ka pala sumama dito? Ikaw lagi kang sabit samin" sinimulan na naman ni Aj ang pang - aasar

"Ako ang unang nagsabi na sasamahan ko si Nadia, nagsigaya lang kayo"

"Oy David! Naunahan mo lang kami" sabi naman ni Arian

Hindi ko na sila pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang sila nagpatuloy sa pag-aasaran.

"Nadia"

Bigla silang natahimik dahil sa may tumawag sakin. Ayokong tingnan kung sino, ayoko syang tingnan.

Binilisan ko na lang yung bawat pagsubo ko ng pagkain-

"Nadia"

Uminom na rin ako ng tubig para malunok ko agad. Natapos na rin ako sa pagkain

"Una na ko" sabi ko kila David na hindi tinitingnan si Renz. Tumayo na ko at nagmadaling umalis sa canteen. Sa cr ako pupunta para di nya ko masundan. Alam kong nakasunod pa rin sya sakin.

Ilang minuto na ko rito sa loob ng cr, hindi ko alam kung asa labas sya naghihintay o wala na. Naghintay pa ko ng limang minuto bago lumabas-

"Nadia"

Bwisit talaga. Kung makatawag ng pangalan ko para walang pang gagago na ginawa sakin.

"Renz kung hindi mo sasabihin na hindi totoo yun, na nagsisinungaling lang si Angela-kung hindi yun ang sasabihin mo, wag mo na kong kausapin" sabi ko sa kanya.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon