Kabanata 4

84 9 0
                                    


~~~~~

"Oyyy David!"

"Ano?"

Break time namin ngayon, si David kasama ko pagpunta sa canteen ayaw kasi nung dalawa.

"Totoo yung text mo sakin?" ngayon ko lang natanong kanina kase hindi ko na sya nakausap tutok kami sa pakikinig. O diba sana ol nakikinig hahah.

"Libre mo ako"

"Sabihin lang kung totoo o hindi e-"

"madami akong sasabihin"

Hinigit ko na sya agad sya sa counter at pinapili ng gusto nya.

Piling ko si david sobrang yaman na, halos hindi na sya gumagastos e, di libre lagi.

"Doon tayo sa sulok" yaya ko sa kanya,Pagkatapos naming bumili.

"sabihin mo na!"

"teka lang naman Nadia! Hindi ko pa nabubuksan pagkain ko o"

Tinitigan ko lang sya at hinintay mangalahati ang pagkain nya, Nairita ata sa tingin ko kaya wala syang nagawa kundi sabihin na sakin hahah

"Totoo yun...babagal bagal ka lang talaga lumingon kaya naabutan mo e iba"

"we? malay mo kay Angela talaga sya nagpapasalamat sa pag-aayos ng kwelyo nya" baka pinapaasa lang lalo ako nito david e

"Matagal na yun ginagawa ni Angela hindi naman nagpapasalamat si Renz, tsaka anong nakakatawa sa pag-aayos ng kwelyo?" Aray. Nasaktan ako ng unti dahil sa sinabi ni David, matagal na pala ginagawa yun ni Angela? tss, magagawa ko din yan kay Renz hindi lang yan.

"Baka may kiliti si Renz?"

"Nadia kung ayaw mo maniwala edi diwag dami mong tanong..."

Ang hirap paniwalaan.

"Kagabi pala, dapat kaming dalawa lang ni Renz kakain kaso nakita ni Renz sila Angela kaya sinama"

"hahah selos ka?hindi mo naka date si Renz? hahahah" pang-aasar ko

"Baliw hahaha.Sino kaya yung umiyak? Kilala mo ba Nad?"
pinaalala pa.

"Hindi ko kilala david e"

"Talaga?Sayang kung kilala mo babayadan ko na sana lahat ng libre mo sakin-

" Ako, ako yung umiyak kagabi!"

" bakit nga ba umiyak? nakalimutan ko - "

"Dahil kay Renz, hinalikan nya kasi si Angela...ano okay na?ibigay mo na yung bayad! lahat lahat!"

Akala ko ilalabas nya na yung wallet, kaso may inangat sya mula sa ilalim ng lamesa.Phone nya na hawak nya.

"Pa g-cash?"

"Ako, ako yung umiyak kagabi!"
bakit nga ba umiyak? nakalimutan ko - Dahil kay Renz, hinalikan nya kasi si Angela..."

"oh myy Daviiid! bumalik ka dito! Burahin mo yan!" Sigaw ko sa kanya, tinakbuhan nya ko. Wala akong pake kung patinginan ako dito.

"Daviddddd!"

Nakita ko si Arian ayosss.

"Arian! yung phone!" tinuro ko pa si David para magets nya. Buti na lang kami lang nandinto sa labas ng canteen, may dadaan isa o dalawa pero hindi na kami pinapansin.

Sinubukang agawin ni Arian yung phone kaso hindi makuha, nagulat ako sa ginawa ni Arian. Tinuhudan nya si David, hindi sa ano ni David, sa tiyan tumama dahilan ng pag-upo ni David tsaka kinuha ni Arian yung phone.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon