~~~~~~Pagkababa ko sa sasakyan ni Renz hanggang dito sa kwarto, wala ako sa sarili. Para bang lutang ako na ewan, masyado ko kasing iniisip yung sinabi nya.
Maniniwala ba ko? Maniniwala na ba ko? Kikiligin na ba uli ako?
Arrghhhh nakakainis ka Renz!Iwasan ko kaya muna sya, tas tingnan ko kung anong gagawin nya?
Oo tama! Mga isang buwan ko sya iiwasan... Para naman ang sama ko, mga tatlong linggo?
Halos isang buwan na din yun e. Argghh Renz nabobobo na ko. Baka hanggang sa laro namin eto pa din yung iniisip ko, jusskoo ayoko na.
Pakiramdam ko pagod na pagod ngayong araw. Nakakainis.Nag half bath lang ako pagkatapos ay natulog na.
-
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Nakakainis.
Hindi ko alam kung sino yung naabutan kong tumawag, basta ko lang sya sinagot.
"Oh?-"
"Nadiaaa anuna!!!! Hindi ka talaga pupunta? Ha!!"
Bigla kong nilayo sa tenga ko yung phone, ang sakit sa tenga. Tiningnan ko kung sino yung tumawag... Si Aj pala
"Hoy Nadia! Magsisimula na!"
"Nagsisimula? E ang aga pa-shit! Gaguuu mag aalauna na? AGAD?" Napasigaw na lang din ako.
"Gulat na gulat? Huwag mong sabihing kung hindi ka pa gigising kung hindi ka pa kita tinawagan"
"Parang ganun na nga?"
"Gaga ka talaga!"
"E teka muna... Tutal magsisimula na naman wag na lang kayo ako pumunta?"
"Ge bahala ka, hayaan mo na si Angela ang mag cheer kay Renz" sagot ni Aj
"Angela?"
"Oo"
"Angela?"
"Ulet ulet? Oo yung Angela na ex ni Renz"
"Pakisabi cheer well"
"Cheer well mo muka mo! Oy Nadia anuna, pumunta ka na dito!" nailayo ko na naman yung phone ko, biglang sumigaw, boses ni Arian na mukang kanina pa ata nakikinig sa usapan namin.
"Bahala na"
Ano naman kung nandun si Angela?
E bakit nga ba sya bumalik? Kakaalis lang nya tas andito na?Maganda nga na nandito sya, plano ko namang iwasan si Renz.
Pero iiwasan ko si Renz, iiwasan ko sya, ayoko ng may sisingit o babalik.
Baka pati yung feelings ko e mapabalik agad.
Bwisit talaga.
-
Kanina paulit ulit ko ng sinasabi sa sarili ko na hindi ako pupunta, pero ano? Andito na ko sa school.
Naglalakad papunta sa gym.May nakasalubong ako kanina kung sino naglalaro, Humss at Abm daw. Sila Jason ang naglalaro.
Nag text ako kila Val kung san sila naka pwesto. Agad naman silang nag reply. Nasa pangatlong row sila.
"Kala ko hindi ka pupunta?" tanong ni Val sakin.
"Kala ko rin e"
"Sus nagselos lang yan hahahaha" pang-aasar ni Arian
"Ayun si Angela, kasama ng dalawa nyang kaibigan" dugtong pa nya.Nakita ko nga si Angela nasa kabilang side sila. Ano naman kasi sakin kung andito sya?
Hindi na kami nagdaldalan pang apat, nanood na lang kami sa laro nila Jason.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020