Kabanata 52

30 2 0
                                    


~~~~~~

Nanatili kami dito sa gym para panoorin yung mga nag p-practice. Kahit na gusto ko nang umuwi hindi naman kami papayagn ng guard, napaka aga pa para sa uwian.

"Nad si Cess" sabi ni Aj dahilan para mapatingin ako sa entrance ng gym.

"Bat andito yan?" tanong ko. Kasama nya yung kaibigan nya ata. Tatlo sila. Pumasok sila at naupo.

"Hindi ba sila mapapagalitan?" tanong din ni Renz. Nakatingin lang ako kay Cess, puro sugat na nga katawan nakakapunta pa dito.

"Nadia baka mamaya may sinusulyapan na yan dito hahahaha"

"gaga ka Aj." Hindi ko alam na pinayagan yan ni Ali na pumunta dito, dapat sa clinic muna sya o dapat nasa guidance sya.
Nakatingin lang talaga ako kay Cess, ewan ko kung ako lang maissue pero kinikilig ba sya?
Tinitigan ko lang sya ng tinitigan para makaramdam sya na may tumititig sa kanya.
Maya maya napatingin sya sa pwesto ko. Nagulat sya ng makita ako dito. Pinagtaasan ko sya ng kilay.

Malaman ko lang na may monkey business talaga sya dito susumbong ko sya kay Ali.

"Love cr lang ako" biglang sabi ni Renz sa tabi ko. Tumango lang ako at tiningnan syang umalis.

"Nad feeling ko talaga hahahaha, tingnan mo si Cess mukang kinikilig o hahahahah"

"Kanina ko pa nga din yan napapansin"

Sinubukan kong sundan ng tingin kung sino yung tinitingnan nya pero hindi ko malaman kung sino, sa dami ba naman ng nagsasayaw pano ko malalaman.

Hindi ko na pinansin si Cess kaso etong katabi mukang pinag tuunan talaga ng pansin si Cess.

"Si Eman"

"Anong meron?" tanong ko at tiningnan si Eman, nagsasayaw lang naman sya

"Sya tinitingnan ni Cess! Nahilo ako dun a hahahha" sabi ni Aj, mukang kanina nya pa nga hinahanap kung sino pinunta dito ni Cess.

"Sure ka Aj?"

"Oo nga Nad, hala ka hindi na ata si Renz ang gusto hahahahah" sabi pa nya

"Panong si Eman..." kahapon lang sila magkasama, gago ano to unang sama na fall agad?

"Kung si Eman nga, baka crush lang, yaan na natin hahahaha"

Tama si Aj, kung si Eman nga, crush lang naman. Pero ang gago lang inuna pa pumunta dito kesa manatili sa clinic.

"Ay Nad narinig ko kanina hindi daw pala dito sa school gaganapin yung prom"

"San daw?"

"Di ko sure e, basta hindi dito...Asan si Renz? "tanong ni Aj, tumingin tingin pa dito sa side ko, hindi nya ba napansin umalis

" Nasa cr, hindi mo nakitang dumaan?-"

" Nakita ko, kanina pa yun. Naku Nadia... " hindi nya tinuloy yung sasabihin nya pero na gets ko agad. Bumalik na sa panonood si Aj. Ako eto nag-iisip na naman ng kung ano ano.

Kanina pa nga si Renz, hindi pa sya bumabalik. Baka naman nag jebs? Baka mabagal lang maglakad

" Oy Nad! Wag mong isipin yung sinabi ko, wala ka bang tiwala kay Renz?" sabi ni Aj, napansin ata ako na kung ano ano iniisip.

"Meron naman, pero kay Angela wala"

"Edi puntahan mo na kesa para kang tanga dyan hahahahah"

"Grabe sa tanga ha! Andyan lang yun sa tabi tabi"

Thirty minutes na ata yung lumipas pero wala pa din si Renz. San ba sya ng cr sa Japan?

"Tapos na daw?"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon