~~~~~Kala ko pag nakauwi na ko sa bahay mas iiyak ako pero ngayong andito na ko wala akong maiyak, walang luha na lumalabas sakin.
Mas pinagtataka ko pa talaga tong luha ko na dapat ang pinagtataka ko ay yung nangyari kanina, yung mga narinig ko.Manhid na ata ako. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko o kung may dapat pa ba kong paniwalaan. Mula noong sinabi sakin ni Renz na kakausapin nya yung papa ni Angela hanggang sa araw na to, niloloko lang nila ako!? Engaged? Sila? Kahibangan!
Ayaw nila magsabi sakin ng totoo tapos gugulatin nila ako ng ganto ganto lang? Na engaged sila? Gusto nila ng gulo, ng problema pwes ako, ayoko na
"Nak, Nadia!"
"po?"
"Nasa baba kaibigan mo, babain mo sila doon" sabi sakin ni papa na nasa labas ng kwarto ko
"Sino po?"
"Sila Aj at David"
Sorry pero wala akong ganang makipag-usap kahit na sino sa kanila.
Sinabi ko kay papa na masakit tyan ko kaya hindi ko sila mababa at makakausap.
Andito lang ako sa kwarto. Ayokong bumaba pa, baka makita lang ni papa yung mata ko na wala na naman sa ayos ang itusura dahil sa kaiiyak ko kanina.
Maya maya nagpaalam si papa sakin na aalis daw muna kasama si Tito, uuwi rin naman daw sya mamaya.
Dahil umalis na si papa nakalabas na rin ako ng kwarto ko. Hanggat maaari ayokong sabihin kay papa yung mga nangyayari sakin, hindi pa tapos yubg problema namin, sa pamilya namin ayokong idagdag yung akin, yung kadramahan ng buhay ko.Dumeretso ako sa kusina at naghanap ng pwedeng kainin. Ininit ko lang yung niluto ni papa.
Bigla akong natakam sa carbonara, gusto ko yung nasa restaurant namin. Nag text ako kay Kuya Josh kung pwede sya ang maghatid sakin dito, nagsabi na rin ako kay Ate Pam, at okay lang naman sa kanya.Andito lang ako sa lamesa nakatunganga. Hinihintay ko yung carbonara.
Ilang minuto pa meron na nagtatawag na sa labas. Familiar yung boses.
Pagbukas ko si Ali ang bumungad sakin kasama si Ate Jessa at Renz? Nasa likod nilang dalawa si Renz."special delivery?"
"Bakit ikaw nagdala rito?" tanong ko sa kanya,
"Nakita ko kasi yung driver nyo? Nalaman ko dito puounta at dadalhin to kaya ako na, dito rin naman ako pupunta" paliwanag ni Ali sakin. Kinuha ko na yung hawak nya.
Tangina bakit andito si Renz.
"Ano palang gagawin mo dito?" tanong ko kay Ali
"wala, nakikitambay lang. Parang di ka happy? Hahaha pag pumupunta ako dito ang saya aaya ng muka mo. Tsaka kasama na rin namin si Renz"
So wala silang alam kung anong nangyari at kung anong meron kay Renz?
Inalis ako ni Ali sa gitna ng pinto at pumasok na sila ni Ate Jessa. Kami na lang ni Renz ang naiiwan dito sa pinto at hindi ko alam gagawin ko. Buti na lang natauhan agad ako at ang ginawa ko ay pinagsarahan sya ng pinto.
Takang tumingin sakin si Ali, binaliwala ko na lang yun at dumeretso na ko sa kusina. Hindi ko alam kung makakain ko pa yung carbonara ko...pero kailangan kong kainin sayang naman. Sinalin ko lang yung carbonara at kumain na ko."Nadia" biglang tawag ni Ali sakin, pumasok sila ni Ate Jessa dito sa kusina. Inalukan ko at binigyan ko si Ate Jessa ng pagkain, si Ali kumukuha na ng kanya.
"Si Renz nasa sala-"
"Bakit mo pinapasok!?"
"Joke lang! Joke lang Nadia, wag kang manigaw hahahah" sabi agad sakin ni Ali
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020