Kabanata 50

34 3 0
                                    

~~~~~~

"Nadia" narinig ko yung tawag nya mula sa likod ko. Hinarap ko sya

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko, napakunot ang noo nya, iba ang pananalita ko, gusto ko man itago pero hindi nya ko masisisi hindi magawa!

Tangina. Yung totoo pinag lalaruan ba ko ngayon? Nakita ko si Angela na naglalakad palapit dito, hindi ko alam kung nakita nya na ko.

Humakbang na ko paalis, ayoko na makita kami ni Angela. Binilisan ko ang pagbaba ko kahit na hingal na hingal na ko.

Tangina iniiisip ko pa lang yung sinabi sakin ng bata kanina, kung pano iukit ng mga mag nobya yung pangalan nila sa kahoy, nakalagago lang. Mas gusto kong paniwalaan yung sinabi nung batang babae na para sa iba wala lang.

"Nadia!" madiin nyang tawag sakin. Nakatayo lang ako dito sa harap ng sasakyan nya, hinihintay na bumukas ang pinto.

"May problema ba?" mahinahon nyang tanong, umiling lang ako at tinuro ang sasakyan. Para buksan nya. Pumasok na din sya

"Nadia may problema ba?" ulit na tanong nya, sa pangalawang pagkakataon umiling lang ako, nakatanaw ako sa taas kung saan kita pala dito ang malalaking kahoy.

"Iuwi mo na ko" sabi ko sa kanya, narinig ko ang pagbunga nya ng malalim na paghinga bago paandarin ang sasakyan.

Sa totoo lang wala akonag issue sa nakaukit e, wala na kong paki dun, oo naging sila kasi. Pero gago lang bakit nya ko dadalhin dun sa araw na naging sila? Nang-aasar ba sya? Naiinis ako. Gusto ko syang komprontahin pero pinipigilan ko ang sarili ko hanggat maaari, alam kong kapag nagsalita ako, hindi maganda ang kalalabasan. Papalipasin ko na lang siguro.

Nakapikit lang ako buong byahe, napamulat lang ako nang maramdaman kong huminti na. Nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Hindi ka lalabas ng sasakyang to hangat di mo sinasabi kung anong problema" madiin na pag kakasabi nya. Narinig ko na naman yung pag lock ng pinto ng sasakyan. Ugali nya talaga.

"Bakit mo ko dinala dun?" tanong ko

"Kasi gusto kitang dalhin dun, alam kong mahilig ka sa ganoong lugar...at special din sakin ang ligar na yun" paliwanag nya. Okay na sana e kaso may dinagdag pa

"Anong special? Anong meron?" Hindi ko na maitago yung inis ko sa kanya.

"Nadia deretsuhin mo nga ako, bakit ka ba naggagalit?"

"Renz matatanggap ko na makita ko yung pangalan nyo ni Angela dun... Pero Renz bakit ngayon mo ko dinala dun? Feb 8, naging kayo tama? Ano pinamumuka nyong nag ukit kayo dun para kahit anong mangyari kayo takaga? Tangina lang-"

"Nadia"

"Nakita ko si Angela dun, Imposibleng hindi kayo nagkita at nakapag usap kanina dun. Ano plano nyo ba na tuwing February 8 pupunta kayo dun at hahanapin yung inukit nyo? Renz nanadya ba kayo!?" sigaw ko sa kanya, wala na hindi ko napigilan yung sarili ko. Gumagawa na naman ako ng walang kwentang bagay, ang hilig ko mag big deal! Ano sarili ko na naman ba ang sisihin ko.

" Oo nagkita kami at nag-usap kanina... Sya ang unang lumapit sakin, nag hi lang sya pero hindi ko sya pinansin, inassume nya na andun ako kasi eto - eto yung"

"Eto yung araw na naging kayo! Hirap na hirap a parang hindi mo ginusto"

"Nadia hindi ko gusto! Wala na sa utak ko yung date kung kaylan naging kami. Pinaalala lang nya..." paliwanag nya, unti unting umaamo ang itsura nya, gusto ko na lang umiwas ng tingin
"Love, hindi ako pumunta dun at dalhin ka dun para lang alalahanin yung araw na yun... Hindi yun ang pinunta ko, natin...Love, Nadia sorry" dagdag na paliwanag nya.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon