~~~~~
Kahahatid lang sakin ni Renz at kasalukuyan syang kinakausap ni papa sa baba. Wala naman daw silang ibang pag-uusapan, pero pinaakyat ako.
Naligo lang ako at nagbihis. Gusto ko na rin matulog agad, napagod ako ngayon. Wala nga kaming ginawa sa school pero madami naman kamkng ginawa ni Renz, kaya ako napagod. Pero nag enjoy talaga ako.
Nag scroll scroll lang ako sa fb at nang seen ng chat nila Arian sa gc. Ako na naman ang topic-
"Nak? Nadia?"
"po?"
"Uuwi na si Renz, hindi ka magpapaalam?" tanong ni papa sa labas ng kwarto ko
"Hindi na po" sagot ko. Kala ko may sasabihin pa si papa pero umalis na ata.
Tinatamad na ko tumayo tsaka magkikita naman bukas. Nag text na lang ako sa kanya na ingat sya.
Nagulat ako bigla syang tumawag."bakit?"
"Hindi mo na ko babain dito?" tanong nya sakin.
"Hindi na. Bakit?"
"Kahit saglit lang?"
Natatawa ako sa pinagtatanong nya. Sumilip ako sa labas ng bintana, nakita ko sya nakasandal sa sasakyan at nakaharap dito...
"Bakit?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Wala na kong nagawa kundi babain sya dito.
"May isa pa tayong pupuntahan" sabi nya sakin at hinawakan ang kamay ko
"Saan? Teka baka hindi na ko payagan ni papa"
"Pinagpaalam na kita. Tara?"
Papa talaga! Sumakay na kami ng sasakyan. Hindi ko alam kung san at anong gagawin namin.
"Renz san talaga tayo pupunta?"
"Hindi pa tapos yung date natin...at may isa pa kong ibibigay sayo"
Hindi familiar yung daang tinatahak namin. Pero mukang malapit lang. Hindi ko talaga alam kung nasan kami. Hindi na ata nawala yung pagtataka sa mukha ko hanggang sa huminto na kami.
"Pwede mo nang tanggalin yung kunot ng kilay mo love hahaha, andito na tayo"
Lumabas na sya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ko.
Namangha ako sa nakita ko, hindi ko alam kung ano tawag sa mga gantong lugar. May mga cottage sa paligid. Magaganda at may mga pailaw na cottage. Bakit hindi ko alam na may lugar na ganto?Tinuro sakin ni Renz yung daan. Hinawakan nya yung kamay ko para alalayan ako. Mabato kasi. Yung mga nadadaanan naming cottage merong mga tao. May napapansin ako-puro magka partner? Date place ba to?
Tinitingnan din nila kami, nahiya ako bigla. Bigla kong naalala kubg anong itsura ko ngayon."Renz dadalhin mo pala ako sa gantong lugar di mo sinabi, tingnan mo naman ako, hindi mo man lang ako pinag-ayos. Ang pangit ko" sabi ko sa kanya. Naka short lang ako at oversized shirt, tsinelas. Yung buhok ko, ewan ko kung maayos o ano, nilagay ko lang yung isang clip na galing kay Renz. Buti na lang, kahit papano nakaligo na ko.
"Maganda ka naman lagi love. Tsaka hindi mo kailangan mag-ayos para sa kanila. Hindi sila ang pinunta natin dito." paliwanag nya sakin. Kahit papano nawala yung hiyang nararamdaman ko. Maganda ako, narinig nyo!?
Dumeretso kami sa dulong cottage. May pagkain na nakahanda. May nakita akong bouquet ng bulaklak. Dahan dahang kinuha ni Renz at inabot sakin.
" Renz may balak ka bang gawing garden yung kwarto ko?"
Nawawalan na ko ng paglalagyan ng mga fresh na bulaklak na binibigay nya. Tinawanan nya lang ako at pinaupo na rin. Nilapag ko na lang ulit yung bulaklak.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Roman pour AdolescentsSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020