Kabanata 29

38 4 2
                                    


~~~~~~~

Thirty minutes na nakalipas pero hindi pa din kami tinatawag ni Renz. Tagal a.

"Arian mauna na kaya tayo, tagal nila mag-usap" sabi ko kay Arian na bagot na bagot na yung itsura

"Sure ka bababa tayo? Bababa at lalabas lang tayo? Baka mamaya mag away lang kayo ni Angela-"

"Hindi. Wala akong pake sa kanila. Gusto ko na din magpahinga sa bahay" paliwanag ko. Lumabas na kami ng room ni Renz.

Pababa ng hagdan, wala kaming narinig na boses ni Arian kaya madali kaming nakababa. Pagdating sa sala, walang tao.

"Aluh ka Nadia baka kung saan na sila pumunta"

"manahimik ka, tara na uwi na tayo wag na natin intayin si Renz"
Paglabas namin, tsaka lang namin nakita si Renz na pabalik dito sa loob.

Gusto ko sanang tanungin kung anong pinagusapan nila pero walang lumabas sa bibig ko. Kahit isa samin ni Arian walang nagtakang magsalita.

Pano kami magsasalit kung yung aura ni Renz kala mo may nagawa kaming kasalan. Salubong na salubong ang kilay nya at ang tingin-ah basta.

Nilagpasan lang kami ni Renz, nagkatinginan kami ni Arian. Hindi namin alam kung gagalaow na ba kami o hindi, dumidilim na naman, baka dumating na naman ang malakas na ulan at hindi na naman kami nito makauwi.
Sinenyasan ako ni Arian na kausapin ko daw si Renz.

Sinundan ko si Renz sa loob. Tatanong ko kung ihahatid nya kami kung wala na syang balak uuwi na kami ni Arian.
Yung sasakyan kasi nila Arian hiniram daw kahapon ng kamag anak nila. Malas lang namin.

Pagpasok ko sa loob ang syang pagbaba nya ng hagdan. May dala syang jacket nya at yung susi ng sasakyan.
Nakita nya ko papasok, natigilan sya saglit at naglakad na papunta sakin.

Curious ako sa pinag-usapan nila ni Angela kaso wala ako sa posisyon para magtanong sa kanya.
Napansin kong medyo pula ang kabilang pisngi nya, sinampal sya ni Angela?

Hindi ako nagseselos sa mga oras na to, pero bakit ba hindi matahimik si Angela? Break na sila diba? Bakit parang nagpupumilit pa din sya kay Renz?

Pagkalapit sakin ni Renz tsaka lang nawala at nagbago ang reaction nya, kung kanina halos hindi namin sya kayang kausapin ngayon biglang umayos na, tumigil sya sa harap ko at niyakap na lang ako bigla.

"Sorry" sabi nya sakin na pinagtaka ko naman.

"Para saan?"

"Pakiramdam ko kasi lagi na lang kitang nasasaktan"

Wala akong masabi sa sinabi ni Renz, ano bang sasabihin ko?

"Tara na" yaya ko na lang sa kanya palabas, baka kanina pa kami kinukulam ni Arian haha.

Paglabas namin ng bahay, sumakay na agad kami sa kotse nya. Hindi ako sa tabi nya umupo, sa likod ako katabi ko si Arian kanina pa ko ginugulo sa chat, anobdaw tsismis. Jusssko talaga.
Magkalapit lang kami tas idadaan nya pa sa chat. Ano, nahihiya sya kay Renz? Tsismosang mahiyain pala to.

Unang hinatid ni Renz si Arian, kanina magtatanong sana kami kung bakit si Arian ang uunahin e bahay namin ang unang madadaanan.Sa huli hindi na namin kinuwesyon si Renz.
Kasalukuyan kaming nasa tapat ng bahay namin.
Gusto ko ng bumaba kaso parang ayaw ko, ewan!
Buti hindi nagtataka si Renz...

"Renz/Nadia"

Kruuuu kruuuuu

Tinanguan nya ako para siguro na ako muna ang magsalita.

"Renz, diba sinabi ko sayo na tigilan at hayaan mo muna ako? Renz pwede bang gawin mo yun? Hayaan mo muna ako at hahayaan din muna kita-"

"Nadia-"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon