Kabanata 31

44 4 0
                                    


~~~~~~~

Bukas na ang araw ng pagpunta namin sa San Phablasa. Naisipan namin nila Val na mamili ng kakainin. Kami lang dapat kaso sumama si David.

Wala naman masyadong nangyari nitong nakalipas na araw. Bukod sa hindi kami nagpapansinan ni Renz, at pag intriga ng magulang ko sakin at! At alam na ng kaibigan namin kung anong nagyari sa amin ni Renz. Hindi ko alam bat nila nalaman, ewan na lang sa kanila.
Nitong nakalipas na araw hindi pumapasok si Jason, tinatanong at hinahanap sya ng mga tecaher nya samin, sabi nila Mark at Rey may sakit daw. Yun daw kasi ang text ni Jason sa kanila.

Pero hindi ako naniwala, nag text din ako kay Jason ang sabi nya sakin may inaayos daw sya. Hindi nya sinabi kung ano. Tinanong ko sya bakit hindi nya sinasabi kila Mark yung totoo, sabi nya ayaw daw nya. Gusto ko man na ako ang magsabi kila Mark, ayoko naman mag marunong kay Jason.
Tinanong ko sya kung makakasama sya sa San Phablasa sagot nya sakin ay hindi.

"Bat ba tayo bibili pwede naman kumuha na lang dun kila Nadia tas Tasha" sabi ni David samin. Papasok pa lang kami ng market

"David sino ba kasing sumama ka samin?" tanong ko sa kanya

"Oo nga David kami kami lang e, sabit ka na naman samin hahahaha" pang - aasar naman ni Aj

"Parang hindi nyo ko kaibigan a!"

Hindi na namin sya pinansin pa, pumunta na kami sa pwesto kung nasan ang mga sitsirya.

_

"David ano pala yung sinulat mo para sa gusto mong gift na matatanggap, diba nanalo kayo?" tanomg ko sa kanya, habang nakapila kami sa may Counter. Kaming dalawa lang nakapila, yung tatlo pinauna na namin sa Jollibee dun namin naisip kumain muna.

"Ah yun? Pinagsisihan ko nga na yun ang nilagay ko Hahahahah"

"Bat naman?"

"Basta malalaman mo din"

Hindi ko na pinilit si David. Kung ayaw nya sabihin edi wag! Hahahahha.
Pagkatapos namin magbayad lumabas na kami sa market at naglakad na papunta sa Jollibee.
Malapit lang naman kaya naglakad lang kami

Pagdating namin sa loob sakto kabibigay lang din kila Arian ng inorder nila. Ayos kakain na lang kami.

"Parang tinatamad na ko sumama bukas" biglang sabi ni Val

"Eh? Bakit naman?"

"wala lang... Iba lang yung pakiramdam ko ewan basta bahala na hahahah" paliwanag nya samin.

"Val wag ka na sumama akin na lang yung mga pagkaing binili mo hahahaha" pang-aasar na sabi ni David.

"Sakin pa din yan kahit hindi ako sumama"

"Oy Val sumama ka na, sayang bayad mo dun" opinyon ko

"Bahala na hahahha"

"Val sama ka ha! Palit kayo ni David ng bus para kasama ka namin" sabi naman ni Aj. By strand and section kasi yung sa bus. Kala naman pwede kahit saang bus basta stem e by section din pala.

"Ayoko, wala naman dalang pagkain si Renz"

"E anong silbi ng binili mo kanina?" tanong ko sa kanya

"Nadia hindi mo napansin? Wala yang binili kahit isa para sa sarili nya" nagtaka naman ako sa sinabi ni Aj

"Ha? E diba may kinukuha syang mga pagkain?"

"Sa basket mo nilagagay Hahahaha? Di mo napansin na wala syang binayaran sa counter kanina?"

"Seryoso David? Ako pinagbayad mo ng kinuha mo? Wag kang lalapit sakin bukas uupakan kita!" sigaw ko kay David na tinatawan lang ako. Bakit hindi ko napansin kanina? Masyado na kong madaming iniisip.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon