Kabanata 11

46 3 0
                                    


~~~~~

Ang bilis lumipas ng panahon, tapos na agad ang isang linggo, tapos na ang exam nila. At mamaya andito na din sila Val.

Wala naman masyadong nangyari sa lumipas na isang linggo bukod sa sinabi sakin nila Val na pinag-uusapan ako sa school. Third party? ako? kabit ako?. Kasalanan ko ba na gusto kong ipost yung picture? Kasalanan ko ba na nasa iisang lugar kami? Kitid ng mga utak nila.

"Yupi na yang baso oyy! gigil ka ata" bigla akong na patingin sa paper cup. Kawawa naman Yupi na sya. Andito kami ngayon ni Tasha sa pinakang bungad ng beach na to,hinihintay namin sila Val.

"tagal nila Val heheh"

Ilang minuto pa kami nag-intay. May tumigil na sasakyan sa harap namin.

"yan na ata sila" sabi ni Tasha

"Eh? hindi ganyan sasakyan nila mama-

" Naaaad! "

" Oyyyy Nadia/Hi Tashaaa"

Sabay kaming nagulat ni Tasha dahil sa sigaw nila. Sabay sabay ba namang sumigaw yung tatlo.juskooo.

"Teka kaninong sasakyan yan? Asan sila mama?" tanong ko sa kanilang tatlo. Bago pa masagot ang tanong ko. Nakita kong bumaba si David at Jayson.

"Kay jayson. Gusto kasi nilang sumama, nagsabi kami sa magulang mo kung pwede, sinabi din namin na kami lang pupunta dito." paliwanag ni Arian

"Nadia musta!" tanong sakin ni Jayson

"Hindi okay, bakit kayo andito?"

"namiss ka namin, ayaw mo ba kaming andito-"

"ayoko. uwi na kayo-"

"ayaw pang aminin miss mo din naman kami hahaha tara na sa inyo" sabi ni David at bigla akong inakbayan. Medyo okay na naman ako kaya okay okay lang.
"oyyy Tasha" tawag ni David kay Tasha kaso hindi sya pinansin ni David. Busy si Tasha at yung tatlo sa pagkakamustahan. Nauna na din sila sa paglalakad,nakalimutan ata nilang may kasama sila.

"pre maneho mo yung sasakyan hanggang kila Nadia, pagod na ko mag drive" sabi ni Jayson. Sa pinakang likod naman namin patag ang kalsada doon kaya pwedeng pagparkehan ng sasakyan...

"napapagod din ako!" utal ni David

"o baka ako gusto nyong magdrive nyan?" tanong ko sa kanilang dalawa. Bwisit e

"talaga Nadia?/sige salamat" sabay pa nilang sabi. Tangnaaa sineryoso nga yung sinabi ko.

"Mga gago talaga kayo!" sigaw ko at nauna nang maglakad.

"Nadia"

"bakit?" sagot ko kay jayson. mukang si David talaga ang nagmaneho.

"ikaw ha, hindi mo sinasabi samin hahaha nagd-date kayo ni Renz dito-" binatukan ko na sya agad.

"gaga ka? Ginawa mo naman akong kabit. Siguro ikaw yung nagpakalat ng ganung issue sakin sa school!"

"oy oy hindi ako. Hanggang ngayon iniiisip mo pa din yan?" tanong nya naman sakin.

"Naisip ko lang bigla."

"Pero hindi talaga kayo nag date ni Renz?" Sinabi ko na sa kanila noong nakaraan yung tungkol sa picture at kung bakit kami magkasama sa isang lugar a. Mukang wala syang alam kawawa naman hahaha.

"Bakit ako tinatanong mo? hindi mo pa yan tinanong kay Renz?" balik na tanong ko sa kanya

"Hindi nya naman sasagutin ng maayos, wala yun pake sa mga nangyayari hahah"

"parang ikaw. walang pake sa nangyayari. Sinabi ko na sa kanila Val alam din nila David tapos ikaw eto tinatanong pa din ako hanggang ngayon" Paliwanag ko kay Jayson.Sasakit ata ulo ko sa kanya e

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon