~~~~~Isang linggo na nakalipas mula nang marinig ko yung pag-uusap nila Tasha at Renz.
Gusto kong tanungin sila Val kung may alam sila, kaso naisip ko na hayaan ko na lang yun, ayoko na silang pakielaman.
Sa narinig ko wala akong naramdaman tuwa. Parang ako pa yung nasaktan sa gagawin ni Angela kay Renz.
Sa isang linggo na lumipas dalawang beses ako pinuntahan ng doctor.
Natuwa sya dahil unti unti na kong bumabalik sa dati, may ginawa syang activity sakin, panonood ng mga grupo ng lalaki, isa syang palabas na nakakaiyak at nakakatakot, unang beses ko pinanood hindi ko kinaya pero manag tumagal nakakaya ko.
Pinakita din mya ang mga picture ng mga kaibigan ko, nagtaka pa ko kung saan yun nakuha hahaha, pero sa mga picture na yun wala si Renz.Sabi ng doctor mga isang buwan na lang o-okay na daw ako.
Nandito ako ngayon sa labas namin, nakaupo lang. Wala akong magawa, wala si Tasha may pasok. Nakakaboring.
"Nadia tingnan mo nakita ko sa taas, gitara" napalingon ako sa papalapit na si Ate Sab.
"Woahh ate ang tagal na nito a"
"linisin ko, para magamit mo...diba marunong ka nito?" tanong ni Ate
"dati? hindi ko sure kung marunong pa ko" sagot ko. Grade 10 huli kong hawak sa gitara na yun, Pinabili ko yan kay lolo na pumanaw na matagal na. Marunong ako pero ngayon hindi ko na ata alam.
"marunong ka nito, saglit lilinisin ko" umalis na si Ate sab dala ang gitara. Hindi din sya nagtagal at bumalik agad. Muka na ulit bago.
"Ate ang ganda, nakakamiss" sabi ko, pagka abot nya sakin.
"tugtog ka na dali, nakakamiss din yung pagkanta mo hahah"
"luh ate tagal ko nang hindi kumakanta hahaha...teka iisip ako heheh" habang nag-iisip ng ka kantahin, may kinuha si ate sa bulsa nya, yung phone ko pala nasa kanya, sya ang naghahawak baka kasi tumawag sila mama.
"A-anong gagawin ko dito?" tanong ko nang inabot nya ang phone.
"open mo. video natin, para mai upload sa fb hahaha"
Sumunod na lang ako, pwede na din naman ako mag phone sabi ni doc. pero dapat saglit lang. Inabot ko na kay ate yung phone. Nagsimula na din ako mag strum.
"Ate sisimulan ko na agad sa chorus heheh" tinanguan ako ni ate Sab at ngumiti sakin, Mukang kanina pa naka play yung video
"You're my crush,
Can't you see the way I blush,
But I don't want to rush things with you my Love,
You're all I think of,
Truly sent from above.
Boy I get butterflies when I look into your eyes,
boy , I get butterflies, yea I,
I get so weak when I hear you speak,
boy, I get so weak,
I get butterflies...
Sa pagkanta ko bakas sa muka ni Ate Sab na natutuwa sya, kunti na kang mukang maiiyak na sya hahaha, Enjoy ko lang ang pagkanta, wala akong iniisip na kung ano, gusto ko lang talaga kumanta, nakakamiss.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020