~~~~~~~Kala ko pag nagising ako wala na sila dito. Pero mali ako ng akala.
Kinuha ko yung phone ko sa tabi at tiningnan ang oras, 11 a.m na. Tanghali na? Ako pa lang ang gising? Lahat sila tulog, mga nakabalot pa sa kumot.
Tumayo na ko at pumunta sa likod, nakita ko wala na yung nga tira naming pagkain, baka nilinis at inalis na ni Ate Sab. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba sila o hindi. Pumunta muna ako sa labas at tumulala.
Napapikit ako dahil naalala ko yung kagabi, napahawak tuloy ako sa pisngi ko.
Yung totoo? Hindi ko na talaga maintindihan si Renz. Hindi ko alam kung pinaglalaruan nya lang ba ko o ano. Ewan. Pagkatapos nung nangyari kagabi syempre inulan kami ng asaran. Pero hindi ko na talaga alam para san yun... Para san yung mga ginagawa nya sakin, parang nung nakaraan lang sabi nya hindi nya naman ako nagustuhan...
Hindi nya ko gusto, e bat nya ginagawa sakin to? Lahat ng to?
"Nadia"
Tangina. Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ko. Nagmumuni muni ako dito, juussko!
"Ano?" tanong ko kay Renz. Sa lahat ng pwedeng gumising na bakit si Renz pa.
"wala lang" sabi nya sabay ngiti sakin at pumasok uli. Dati ba syang adik?.
Nakapag-isip isip na ko. Iiwan ko na sila dito, hindi naman siguro sila mawawala. Tsaka nagugutom na din ako. Naglakad na ko pabalik sa bahay.
"Nadia asan sila?"
"Tulog pa Ate... Baka po pagising na din sila, ligo lang ako"
"Ay Nadia, wala pala papa mo" sabi sakin ni Ate Sab
"May aasikasuhin daw sila, kasama si Nayla, baka gabihin o kaya bukas pa sila makauwi" paliwanag sakin. May alam ako pero di ako sure, pero ayoko na munang mangielam.
"Sige Ate, salamat"
Umakyat na ko sa taas at naligo._
Katatapos lang namin kumain ng tabghalian. Eto kami nakatunganga sa sala, hindi namin alam kung san namin gugugulin yung oras namin.
"Tasha hindi ba talaga ako invited sa birthday mo?" pagmamaktok ni David
"David ulet ulet hindi nga hahahah"
"ikaw ba si Tasha ha Aj?"
"Wag ka na maingay, sinagot na ni Aj yung tanong mo" sabi ni Tasha kaya lalong nalugmok yung muka ni David
"Ge okay lang, birthday mo lang naman yun di mahalaga" sabi ni David na nagpabago sa reaction ni Tasha.
"raulo ka talaga David" sabi ni Renz kay David. Si David wala ng pake.
"David tumigil ka nga sa kadramahan mo, di ka mabiro hahahahha" pagsasalita ko. Sila Val inaasar si David hahahah, daig pa nito babae kung mag inarte.
"Hindi pwedeng mawala sa debut ko... yung crush ko"
Lahat kami napatigil at napatingin kay Tasha dahil sa sinabi nya. Inaasahan na nagbibiro lang sya pero seryoso sya. Seryoso talaga, nakatingin sya kay David, si David wala pa ding pake pero alam naming narinig nya si Tasha.
Okaaayy? Ang awkward.
Naghihintayan kami kung sino ang babasag sa katahimikan. Dinadasal ko na lang na sana biglang dumating si Ate Sab.
Hindi normal to, nagpapalitan kami ng tingin. Gago e ano naman kung seryoso si Tasha, wala naman-"Sorry hindi kita crush... Si Nadia crush ko"
Amputangina.
Kung kanina na kay Tasha yung tingin, nalipat sakin. Hindi ko alam kung kanino ako titingin, kay Tasha ak tumingin dahil sya ang hindi pala nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020