~~~~~Pagkakuha ko ng keychain biglang inagaw sakin ni Ali
"Mahal na mahal talaga ako, binilhin mo pa ko ng souvenir.Salamat" sabi ni Ali at tiningnan mabuti yun.
Dalawa yung binili ko...yung isa madaming katulad tas yung isa nag-iisa na lang yun kasi ang ganda talaga sana sa susunod na punta ko meron uli.
Pasasalamatan ko sana uli si Renz kaso nawala agad. Napansin ko pa yung tingin sakin ni Papa."Sya lang naghatid sayo?"
"Sya po naghatid samin" baka kasi isipin pa ni papa kami lang dalawa magkasabay pa uwi yari ako.
Nagpaalam si Tita tas si Papa na tutulungan na muna si Mama sa paghahanda ng hapunan.
"Si Renz yun diba?"
"Naalala mo? Sa picture ko lang sya pinapakita a" Grade 9 or 10 kilala na ni Ali si Renz...Pero sa picture lang hindi kasi pumupunta dito si Adi kung uuwi sila galing ibang bansa sa probinsya sila umuuwi, minsan lang ako napupunta sa kanila kapag pumupunta si mama sa kanila. Grade six kami nung huling punta nya dito sa bahay and ngayon na lang uli. Buti naisipan ni Tita Allysa na pumunta dito.
"Kagabi kasi tinandaan ko talaga mga Pangalan at itsura ng mga picture na sinend mo hahaha" sabi nya at tinitingnan pa din yung keychain
"Akin na yan Ali, bumili ka na lang ng iyo, sasamahan kita sa weekend, pasyal tayo maganda dun"
"Hanggat hindi pa tayo nakakapunta dun amin muna to"
-
Kala ko matutuwa ako kasi bumisita si Ali, jussskooo hindi!
Papasok pa lang ako ngayon, anong oras na, halos kalahating oras na ng first subject namin ang naaksaya ko. Ayaw kasi akong papasukin ni Ali kung ano ano pang ginawa sakin, nakakainis kami lang dalawa sa bahay. Maagang umalis sila Mama sinama din si Tita Alyssa.
Hindi na ako papasok sa first subject,dumeretso na lang ako sa tambayan ko.
Masyado ng malago yung mga damo, patabas ko kaya to kay Ali hahahah. Naisip ko ano kayang magiging reaction ni Arian pag nakita nya si Ali, dati kasi may gusto si Arian kay Ali, may crush naman si Ali kay Arian.
Kaso sabi ni Ali hindi daw sila compatible, crush lang daw nya si Arian ibig sabihin daw hinahangaan lang nya kaso si Arian daw kasi may gusto sa kanya... Gulo noh? Kung mangatwiran sya ng ganyan e grade six pa lang sya nun.
Inamin din sakin ni Ali na may 'gusto sya' hindi ko na lang inintindi kasi ang gulo nya hahahah.Tiningnan ko ang phone ko at malapit na ang second sub kaya umalis na ko sa aking madamong tambayan.
Kung minamalas nga naman ako pag liko ko, sakto namang naglalakad si Renz papunta sa direksyon ko. Bigla kong naalala yung nangyari kahapon. Ayoko syang makasalubong. Ayoko ayoko, liko, liko...talikod
Wala akong ibang pagpipilian kundi dumeretso at makasalubong sya o tumalikod. Pero ayoko talaga syang makasalubong kaya tumalikod ako at binilisan ang paglalakad.
Late na naman ako sa second subject nito,bakit ba kasi palakad lakad sya.
"Reeeenz!"
Para akong sasakyan na biglang pumreno. Oo hindi ako yung tinatawag...pag tingin ko sa likod ko nakatalikod na sa Renz sa direksyon ko nakaharap na sya dub sa tumawag sa kanya.
Gago literal na lumaki ang mga mata ko at kulang na lang ay malaglag ang panga ko.
Si Cess...si Cess na kapatid ni Ali, si Cess na maingay, si Cess na may galit sakin...dahil,dahil may gusto daw ako kay Renz, kanya lang daw si Renz, si Cess na may gusto kay Renz
Since grade 9 kami nila Renz tas sya grade 7. Isang beses pa lang sila nagkikita, gala kasi si Cess, pumunta sya sa school namin tapos yun na love at sight ang bata. Hindi na maka get over kay Renz.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Novela JuvenilSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020